^

Punto Mo

Pasugalan sa Camanava, talamak!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH Report: Pinasok na ni perya Queen Aling Tessie ang Kamaynilaan. Nagtayo ng peryahan na may limang lamesang color games at drop ball si Aling Tessie sa boundary ng Las Piñas at Parañaque at mga ilang linggo na itong tumatakbo. Si Aling Tessie ang masasabi kong “untouchable” sa Batangas dahil sa kumare n’yang si dating governor at ngayon Rep. Vilma Santos. Subalit kung bagyo si Aling Tessie kay Chief Supt. Valfrie Tabian, ang director ng Calabarzon police, ganun din kaya kay Sr. Supt. Tomas Apolinario, hepe ng Sou­thern Police District (SPD). Anong say mo SPO1 Aguas Sir? Sa kanto naman ng Libertad St., at Taft Ave. na malapit sa PCP 3 sa, Pasay City, nagtayo rin ng peryahan na may color games si alyas Bernard at ang poste niya ay si alyas Ruel. Sa panahon ng Kapaskuhan, magsusulputan na parang kabute ang mga peryahan sa Metro Manila kaya buhay na naman ang lahat ng operating units ng CIDG at iba pang kapulisan.

* * *

Napag-usapan na rin lang ang peryahan, nagbukas na rin ng kanyang ilegal na negosyo si alyas Alex sa boundary ng San Jose del Monte, Bulacan at Caloocan City. Ayon kay kosang Jimmy Garbo, nakausap niya mismo si Alex na dating financier ng malakasang color games sa Pinatubo St., Cubao, Quezon City. Matapos magtamasa sa buhay dahil sa malaking kita sa peryahan niya sa Cubao, lumutang na rin si alyas Alex at ang ginagamit na poste ay ang kanyang kapatid. Ang napuna lang ni kosang Jimmy, hindi na mayabang sa ngayon si alyas Alex na ang bukambibig noong nasa Cubao pa siya ay “Sige tirahin n’yo at ipasara ang puwesto ko.” Paano kasi mga kosa, ipinasara ng Supalpal ang puwesto ni alyas Alex sa Cubao at hanggang sa ngayon ay hindi na siya nakabawi pa. Boom Panes! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Kahit ipanawagan ko pa ang puwesto ni alyas Alex kay Sr. Supt. Roberto Fajardo, hepe ng Nothern Police District (NPD) ay hindi niya ito papansinin tulad ng sa ilegal na negosyo ni Buboy Go, ang video karera King ng Malabon. Kung si Buboy Go ay may lingguhang para­ting sa opisina ng NPD chief na P65,000, tiyak mayroon din si Alex, di ba mga kosa? Kaya sa tingin n’yo ba mga kosa ikukumpas ni Fajardo ang kanyang kamay na bakal kay Alex kung hindi naman nadi-delay ang weekly payola niya? Ano sa tingin n’yo mga kosa?

Boom Panes! Hehehe! Tiyak may akusasyon na naman sa akin si Fajardo!

Sinabi naman ng mga kosa ko na hindi lang si Buboy Go at sakla King alyas Aging ang nag-ooperate sa Camanava dahil all-out ang illegal gambling sa sakop ni Fajardo. Kaya nga all-out dahil hindi ginagalaw ng operating unit ng NPD, at maging ng CIDG at NCRPO, ang mga pasugalan sa Camanava at tiyak alam n’yo na mga kosa ang kadahilanan. Maliban kina Buboy Go at Aging ang iba pang nag-ooperate na gambling lords sa Camanava ay sina Jr. Estanislao, boo­king ng karera sa Caloocan; alyas Nancy Kamote, bookies ng karera sa Malabon; alyas  Boy Bacolod, lotteng sa Malabon; alyas Jod, lotteng sa Navotas; alyas Marlyn, sakla sa Caloocan City; alyas Edwin, boo­kies ng karera sa Navotas; alyas Sylvia, video karera sa Caloocan City; Jun Alvarado, lotteng sa Caloocan City at Valenzuela City; Edgardo Cristobal, bookies ng karera at sakla sa Valenzuela City; at higit sa lahat si Edwin Andrade, ang may hawak ng jueteng sa Caloocan at Malabon. Hehehe! Hayan, tiyak puro hingi-huli ang aabutin ng mga gambling lords na ito para takpan ang kakulangan ng NPD, CIDG, NCRPO, NBI, GAB at Office of Internal Security ni Interior Sec. Mike Sueno, di ba mga kosa? Boom Panes! Hehehe! Kanya-kanyang raket lang ‘yan!

Kung hindi kaya ni Fajardo na sawatain ang talamak ng illegal gambling operations sa Camanava, sino kayang bayani sa gobyerno ni Pres. Digong ang may kaya? Hehehe! Tiyak Wala! Boom Panes! Abangan!

vuukle comment

QUEEN ALING TESSIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with