^

Metro

Bebot binoga sa pisngi, dedo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Bebot binoga sa pisngi, dedo
Sinisiyasat ng SOCO ang bangkay ni Julie Anne ?ebastian, na binaril sa mukha ng mga hindi pa nakikilalang suspek kamakalawa ng gabi sa Port Area, Manila.
Joven Cagande

MANILA, Philippines – Patay ang isang babae matapos barilin sa pisngi ng hindi pa kilalang salarin, sa Port Area, Maynila kamaka­lawa ng gabi.

Sa pamamagitan ng barangay identification card na inisyu ng Brgy. 121 Zone 9 District 1, Tondo, Maynila nakilala ang biktima na si Julie Anne Sebastian, residente  ng no. 401 B. Interior 37, Perla St., Tondo, Maynila.

Sa ulat ni PO2 Charles Lic­yayo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-9:37 ng gabi nang maganap ang insidente sa 12th St., Brgy. 650, Zone 68,  Port Area, Maynila .

Ayon kay Rodolfo Trono, 70, Barangay Ex-O at residente ng lugar, nakarinig lang siya ng putok at nang alamin ay nakita na lamang na nakabulagta ang babae na may dugo sa mukha.

Hindi naman makapagbigay ng anumang impormasyon ang mga residente  dahil na rin sa takot.

Wala rin umanong closed circuit television (CCTV) na nakakabit sa erya ng pinangyarihan kaya malabo pang matukoy kung sino ang namaril.

vuukle comment

BEBOT BINOGA SA PISNGI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with