^

Bansa

De Lima pinagbibitiw sa puwesto

Butch M. Quejada, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dapat kusang magbitiw na sa puwesto si Sen. Leila de Lima matapos siyang idiin ng da­ting driver-lover nitong si Ronnie Dayan at Kerwin Espinosa.

Naniniwala si Buhay partylist Rep. Lito Atienza na kung lilisanin ni de Lima ang kanyang tungkulin sa Senado ay mas mabibigyan nito ang kanyang sarili ng panahon na madepensahan ang sarili sa mga haharaping kaso sa korte.

Nauubusan na umano ng panahon ang Senadora sa pagbuo ng matibay na depensa dahil sa na­ging testimonya nina Day­an at Espinosa.

Sabi ni Atienza, pinagtaksilan ni de Lima ang tiwala ng publiko at binahiran ang integridad ng mga tanggapan na inupuan nito, gaya ng Senado, Department of Justice pati na ang Commission on Human Rights (CHR).

Una na ring inirekomenda sa Kamara na sampahan na ng kaso si de Lima matapos ang mga naunang hearing ng Justice Committee kung saan itinuro din siya ng ilang inmates sa NBP na tumatanggap umano ng drug money.

Hinikayat naman ni Atienza si Senate President Koko Pimentel na irekomenda kay de Lima ang pagbitiw sa puwesto para protektahan ang ins­titusyon.

vuukle comment

RONNIE DAYAN AT KERWIN ESPINOSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with