^

Kutob

Nobyembre 26, 2016

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Naglalandas sa buhay ko ang kaunlaran, ayon sa katapatan ng aking Maykapal.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Ang paghanap ng walang bakanteng oras sa gawain ay hindi magbibigay ng tamlay sa sarili. Maging maagap sa lahat ng bagay. Lucky numbers at color for the day ang 12, 19, 26, 27 at lemon green.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Maganda ang pagkakataon upang hanapin ang dekalidad na investment kaysa magmukmok at walang gawin. Huwag pansinin ang mga tumututol, ituloy ang binabalak. Lucky numbers at color for the day ang 8, 19, 21, 24 at blue.

AQUARIUS (Enero 20-Peb­rero 18) – Upang magtagumpay, magsaliksik ng mga detalye at iayon sa sarili. Kung may hindi nalalaman, huwag mahiyang magtanong. Lucky numbers at color for the day ang 3, 16, 18, 38 at cream.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) –  Kumpetisyon sa trabaho lalo na sa promosyon ang magiging mahigpit subalit kung may promosyon sa pinapasukan, asahan na isa ka sa kanila. Lucky numbers at color for the day ang 15, 28, 32, 39 at yellow.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Huwag nang hanapin sa malayo ang hinahanap dahil nasa tabi o harapan ito nakalagay. Gamitin ang mata, huwag bunga­nga. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 32, 42 at orange.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Mas nanaisin mong mamasyal kaysa pumasok sa trabaho o paaralan na dapat paglabanan. Dahil daan ito ng iyong kabiguan sa hinaharap. Lucky numbers at color for the day ang 2, 10, 25, 38 at red.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) –  Makinig, magmasid at pag-aralang mabuti bago magbigay ng suhestiyon o opinyon. Huwag magpabigla-bigla dahil ito ang magiging dahilan ng pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ang 9, 15, 23, 33 at maroon.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Ituloy ang gustong gawin dahil naghihintay ang tagumpay, maliban kung labag sa batas ng tao at Diyos. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 33, 41 at lavender.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) –   Tanging ikaw lamang ang makakatuklas sa tamang daan ng iyong tagumpay, kaya huwag mag-atubiling paglaanan ng panahon ang pagsasaliksik. Lucky numbers at color for the day ang 1,17, 29, 40 at brown.

VIRGO (Agosto 23-Set­yembre 23) – Magiging matibay ang iyong pundasyon sa larangan ng trabaho, kung may magaganda kang mungkahi para sa ikakaunlad ng negosyo. Lucky numbers at color for the day ang 7, 14, 31,40 at gray.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Sikapin ang naalintanang mga gawain ay matapos bago sumapit ang hapon. Ang anumang maiwanang gawain ngayon ay magiging walang kabuluhan sa hinaharap. Lucky numbers at color for the day ang 10, 15, 18, 38 at orange.

SCORPPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Ang iyong pananahimik ay nagkakaroon ng kahulugan na walang pakialam at makasarili. Dapat magising ka sa katotohanan. Lucky numbers at color for the day ang 7, 14, 31, 40 at gray.

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with