^

Metro

Barangay kagawad, 4 pa pinabulagta ng tandem

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Lima katao kabilang ang isang barangay kagawad ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi pa nakikila­lang mga suspect na  riding in tandem habang dalawa ang sugatan nang tamaan ng ligaw na bala sa magkakahiwalay na insidenteng naganap sa Las Piñas, Taguig at Pasay City, kamakalawa ng gabi.

Ayon sa report na natanggap ni Police Chief Supt. Tomas Apolinario, district director ng Southern Police District (SPD), kinilala ang mga biktimang sina Honorato Navarro Jr., 54; Nadja Dumanin, 39 at  Vincent Manaluz, na kaagad na nasawi  sanhi ng mga tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Nabatid, na alas-4:00 ng hapon nang pagbabarilin si Na­varro ng tandem  sa Brgy. Daniel Fajardo, Las Piñas City.

Alas-6:00 naman ng gabi nang pagbabarilin hanggang sa patayin ang mag-live-in partner na Dumanin at Manaluz ng riding in tandem suspect sa pag-aari nilang karendirya sa Brgy. Talon 5, Las Piñas City.

Sugatan naman ang ka­­ni­­lang staff na si Ester Doctolero­, 37 na tinamaan ng ligaw na bala.

Ayon sa Las Piñas City Po­lice, minsan ng sumuko sa ‘Oplan Tokhang’ ang mga biktima.

Sa Taguig City, ang baran­gay kagawad na si Julius Cea­sar Buenaflor, 45, ay pi­nag­babaril din ng dalawang tandem alas-6:00 ng gabi sa kahabaan ng Tomasa Avenue, Brgy. Ususan, Taguig City.

Dead on arrival sa Taguig Medical Center ang  biktimang si Buenaflor sanhi ng ilang tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Dead-on-the-spot naman ang barker na si alyas Victor­, 30-anyos matapos itong pagbabarilin din ng tatlong kala­lakihang mag­kakaangkas sa motorsiklong walang plaka  alas-11:30 ng gabi sa panulukan ng M. Roxas St., at Quirino Avenue, Brgy. Baclaran, Parañaque City.

Ginagamot naman sa Pasay City General Hospital (PCGH) ang tinamaan ng ligaw na bala na si Jomel Ansano, 24, nakatira sa Saint Andrew St., Brgy. 179 Maricaban Pasay City.

vuukle comment

PINABULAGTA NG TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with