^

PSN Showbiz

Aktor na may gf, dating baliw sa marijuana

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbago na kaya ang actor na hindi noon nakakatiis na hindi mag-marijuana kahit sa comfort room ng kanyang mother studio? Kuwento ng isang source, hindi nakakatiis ang actor na ito na hindi magkarga habang naghihintay ng kanyang turn sa kahit anong guesting niya sa live show. Kaya raw pagbukas mo ng CR, ang baho, amoy na amoy ang damo.

May girlfriend na sikat ang actor na ito ngayon at hoping ang mga nakakakilala sa kanya na sana’y nagbago na siya at kinalimutan na ang marijuana.

Vic at Vice may salpukan bago mag-Pasko

Vic Sotto, Vice Ganda at Richard Yap

Magkakasunod na ipalalabas ang mga nalaglag sa pinagpilian ng Magic 8 ng Metro Manila Film Festival (MMFF). Mangunguna ang The Super Parental Guardians nina Vice Ganda and Coco Martin sa November 30. Ang Mano Po 7 ng Regal Films starring Ri­chard Yap ay susunod na at maging ang kay Bossing Vic Sotto na Enteng Kabisote 10 & The Abangers.

Yup inunahan na nila ang pagsisimula ng MMFF. Kaya baka pagdating ng Pasko, wala nang masyadong pera ang mga manonood.

Pero may habol na info kahapon ang isang source, magsasabay pa raw ang showing ng movie nina Vic and Vice sa November 30.

So mapapaaga nga ang Pasko.

Please follow me on Twitter and Instagram: @salveasis

vuukle comment

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with