^

Probinsiya

Tropa ng militar inambus: 2 patay, 2 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang sundalo kabilang ang isang junior army officer ang nasawi habang dalawa pa sa tropa ng pamahalaan ang sugatan makaraang tambangan ng mga armadong kalalakihan na hinihinalang miyembro ng rouge Muslim groups sa Zamboanga del Sur kamakalawa.

 Ayon kay Lt. Col. Benedicto Manquiquis, hepe ng Public Affairs Office ng 1st Infantry Division (ID) ng Philippine Army (PA), dakong alas-8:28 ng umaga nang tambangan ang mga miyembro ng Army’s 53rd Infantry Battalion habang lulan sila ng KM 450 truck sa Brgy. Guinicolalay, Dinas ng lalawigan.

  Nasawi sa pananambang ang isang 2nd Lieute­nant Cartagena at isa pang personnel habang dalawa pang sundalo na ‘di pa pinangalanan ang nilalapatan ng lunas.

Nabatid na habang pa­tungo ang Bayanihan team ng militar sa kanilang aktibidad sa komunidad sa Brgy. Binuatan, Dinas nang tambangan ng mga armadong lalaki at saka mabilis na nagsitakas.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with