^

PSN Palaro

SMBeermen pinulutan ang Hotshots sa opener

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
SMBeermen pinulutan ang Hotshots sa opener
Ang makulay at maningning na opening ceremonies ng 42nd PBA season sa Smart Araneta Coliseum kahapon.
Kuha ni Joey Mendoza

MANILA, Philippines –  Kaagad kinuha ng nagdedepensang San Miguel ang kanilang unang panalo sa 2016-2017 PBA Philippine Cup matapos talunin ang Star, 96-88, kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Sinamantala ng Beermen ang tatlong krusyal na turnovers nina Mark Baroca at Paul Lee sa dulo ng fi­nal canto para gibain ang Hotshots.

Tumapos si ‘three-peat’ PBA MVP June Mar Fa­jar­do na may 25 points ka­sunod ang 22 ni Alex Cabagnot at  17 si Arwind Santos para sa San Miguel.

Samantala, nakatakdang lumaban ang Barangay Ginebra sa Linggo sa pagsagupa sa TNT Katropang Texters sa Big Dome.

Nagmula ang Ginebra sa paghahari sa nakaraang PBA Governor’s Cup laban sa Meralco, habang ipaparada ng TNT Katropa ang bagong coach na si Nash Racela, pumalit kay Jong Uichico.

Inaasahan namang du­dumugin ang bakbakan ng Gin Kings at Hotshots sa Araw ng Pasko kung saan itatampok ng Star si combo guard Paul Lee, nakapalitan ni two-time PBA Most Valuable Player James Yap sa Rain or Shine.

Ayon kay Yap, hindi siya maglalaro sa unang da­lawang asignatu­ra  ng Elasto Painters, haha­wa­kan ni Caloy Garcia ma­tapos lumipat si Yeng Guiao sa NLEX, matapos ang arthroscopic surgery sa kanya sa off-season.

“Nagpapalakas pa tayo and nagpapakondisyon,” sabi ni Yap.

Magkukrus ang landas ng Rain or Shine at Ginebra sa Disyembre 4 sa Mall of Asia Arena.

Ang inisyal na regular twin­bill ng season ay sa Mi­yerkules sa Big Dome kung saan magtatagpo ang Blackwater at Phoenix Petroleum sa alas-4:15 ng hapon.

vuukle comment

2016-2017 PBA PHILIPPINE CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with