^

PSN Showbiz

Sharon excited nang makapag-indie

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Sharon excited nang makapag-indie
Sharon Cuneta

Mauuna yatang gawin ni Sharon Cuneta ang 2017 Cinemalaya entry na Ang Pamilyang Hindi Lumuluha to be directed by Mes de Guzman. Ito ‘yung pelikulang gusto ni Mega na gumanap na isa sa kanyang mga anak sa pelikula si Gerald Anderson na siguro naman ay ipahihiram ng ABS-CBN at Star Magic.

Unang ibinalita ni Sharon sa presscon ng concert niyang Sharon ang first time niyang movie sa Cinemalaya. Wala pang balita kung sino ang ibang makakasama niya sa cast.

In good hands si Sharon dahil si Mes din ang director ng magagandang pelikula gaya ng Ang Daan Patungong Kalimugtong at Ang Kuwento ni Mabuti na pinagbidahan ni Nora Aunor.

Dalawa sa makakalaban ng Ang Pamilyang Hindi Lumuluha ay ang Requited ni Jake Cuenca at Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa ni Cong. Alfred Vargas sa direction ni Perry Escano.

Samantala, nakita namin sa Instagram (IG) ang pictorial ng pamilya nina Sharon, Sen. Kiko Pangi­linan, KC Concepcion at mga anak na sina Fran­ kie, Miel, at Miguel. Para yata sa Pasko ang nasabing pictorial at aliw ang mannequin challenge nila.

Dennis binitbit si Jen sa abroad para ma-solo

Ikinatuwa at kinakiligan ng fans nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ang latest post na picture ni Dennis sa IG na hinahalikan siya ni Jennylyn habang nasa SkyLounge ng Amsterdam, kung saan sila nagbabakasyon.

First time nag-post ni Dennis ng ganu’n ka-sweet na picture nila ng GF, kaya naman tuwang-tuwa ang kanilang fans.

Ang hinihintay na lang ng DenJen fans ay kung kailan ikakasal ang favorite couple nila dahil nasa right age na sila. Pero nabanggit ni Jennylyn na six years pa bago siya magpakasal at suportado siya rito ni Dennis.

Tanong pala ng fans ni Jennylyn, ano na ang nangyari sa My Love From the Star na gagawin ng aktres. Mabuti pa raw si Dennis at gagawin ang Mulawin, pero kay Jennylyn walang balita ng next soap nito.

Encantadia minamadali na para sa Mulawin?!

Good news sa Encantadiks ang ibinalita ni director Mark Reyes na extended ang Encantadia up to February 2017. Ang bad news, wala nang ibang madadagdag sa cast, guest man o cameo role dahil hindi na aabot. Unless, ma-extend pa hanggang April 2017 ang fantaserye.

Nanghihinayang nga si direk Mark dahil hindi na­tuloy si Cong. Alfred Vargas na excited pa naman. Sa December, ending na ng book one ng Encantadia and from January to February, book two na ang tatakbo.

Marami pa sanang itatakbo ang kuwento, pero papasok na ang Mulawin. Kuwento pa ni direk Mark, sa Encantadia magte-take off ang Mulawin. Sa en­ding ng Encantadia unang lalabas ang teaser ng Mulawin.

Samantala, good news sa Encantadiks ang contest para sa kanila na kung saan, gagawa ng video at ang mananalo ay tatanggap ng P50,000. Sa November 28 ang deadline ng submission. For more info, log on to encantadia.com.ph/fanfiction.

Helga Krapf 18 artists lang na kasamahan sa Star Magic ang sumuporta

Sana mas marami pang co-Star Magic talents si Helga Krapf ang sumuporta sa Heal a Heart benefit concert para sa kanyang ama na naka-confine sa hospital ngayon.

Sa nakita namin sa poster, 18 artists lang ang nakalagay na darating at magpi-perform at dalawa ay hindi Star Magic talents. Ganu’n pa man, nagpapasalamat si Helga sa mga susuporta.

Gagawin sa Zirkoh Bar Tomas Morato sa November 28 (8 p.m.) ang benefit concert. For ticket reservation, text or call Allan Aldea at 09499935337.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with