^

Bansa

Laban sa anti-Marcos protesters:Full force ng batas ikakasa

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Laban sa anti-Marcos protesters:Full force ng batas ikakasa
Nagpiket sa People Power Monument sa Quezon City ang mga grupong nagprotesta laban sa biglaan at lihim na paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Michael Varcas

MANILA, Philippines – Ipatutupad ng National Capital Region Police Office ang ‘full force’ ng batas laban sa mga magsasagawa ng anti-Marcos rally sa Metro Manila kapag naging bayolente ang mga ito.

Ito ang babala kahapon ni NCRPO Director P/Chief Supt. Oscar Albayalde sa gitna na rin ng inilulunsad na kilos protesta ng mga anti-Mar­cos protesters habang may ikinakasa ring malawakang protesta sa darating na Nobyembre 25.

Ang hakbang ay matapos ang pa-sikretong paglili­bing sa labi ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos sa Li­bingan Ng Mga Bayani (LNMB) sa Fort Bonifacio, Taguig City  na natupad na kahilingan nito bago mamatay noong 1989 o may 27 taon na ang nakalilipas.

Nitong Biyernes ay nagsimulang dagsain ng mga pro at anti Marcos ang bisinidad ng LNMB at maging ang People’s Power Monument sa kahabaan ng EDSA Quezon City at nitong Sabado ay muli silang nagtipon sa lugar.

Kasabay nito, tiniyak naman ni Albayalde na ipatutupad ng NCRPO operatives ang maximum tolerance sa hanay ng anti-Marcos protesters.

Sa text message sa PNP reporters , sinabi ng NCRPO Director na sa ilalim ng Batas Pambansa 880 ay maa­ring magtakda ang mga alkalde ng mga pampublikong lugar tulad ng mga ‘freedom park’ para pagdausan ng demonstrasyon .

“Hindi itinuturing na freedom park ang EDSA People Power Monument at EDSA Shrine at  hindi pinapayagan ang mga rally sa dalawang lugar na ito. Isang pribadong pag-aari ng simbahan ang EDSA Shrine na nagpahayag nang hindi pinapayagan ang mga rali at kilos-protesta rito,” paliwanag ni Albayalde.

Nilinaw naman ng NCRPO Director na maari lamang payagan ng mga pulis na magprotesta sa nasabing mga sagradong lugar kung gagawin ito nang mapayapa at maayos.

vuukle comment

ANTI-MARCOS RALLY SA METRO MANILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with