^

PSN Showbiz

Enchong malabo nang balikan ng dating GF

THE GAME OF MY LIFE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa pagsi-celebrate ni Enchong Dee ng 10 years sa showbiz, ang pagtagal sa industry ang iniisip niya. Gusto niyang mag-ala Gary Valenciano na nakakailang dekada na sa showbiz pero nanatili itong active sa career. “Kaya nga I’m  willing to study and learn to improve myself,” sabi ni Enchong kahapon sa laun­ching ng kanyang second album.

Yup, matapos ibahagi sa fans ang kanyang platinum-selling self-titled debut album, nagbabalik sa recording si Enchong sa pama­magitan ng kanyang pangalawang album na pinamagatang EDM (Enchong Dee Moves) sa ilalim ng Star Music.

Ayon kay Enchong, ito ang proyektong pinakamalapit sa kanyang puso lalo pa’t regalo niya ito sa kanyang fans sa ikasampung taon nga niya sa showbiz. Mamarkahan din ng naturang album ang pagsabak niya sa electronic dance music.

“Gusto kong magbahagi ng parte ng sarili ko sa audience ko na pwede nilang iuwi o makasama sa daan habang nagda-drive. Regalo rin ito sa fans ko para sa suporta nila sa nakaraang dekada. Sobrang personal ng album na ito kumpara sa iba kong projects,” pagbabahagi ni Enchong na inaming malabo na silang magkabalikan ng ex girlfriend niyang si Samantha Lewis though nag-uusap naman daw sila.

Laman ng album ang sampung tracks, kabilang na ang carrier singles na Telenobela at ‘Di Ko Alam, pati na ang Hopia, na siyang personal na komposisyon ni Enchong.

“Ang Hopia, inspired siya ng friend ko habang nagda-drive kami. Natapos ko siyang isulat in 30 minutes. Ang daming taong baliw para sa pag-ibig, at para ‘to sa kanila na naghahangad ng tapat na samahan kasama ang taong gusto nila,” paliwanag niya.

Karamihan ng mga awitin sa album ay love songs, gaya ng mga upbeat na Oo Gusto Kita, Crush, Sa Huli, at ang nagsusumamong Hanggang Dito Na Lang.

Hinahamon din ni Enchong ang kanyang mga tagapakinig na kumilos at magbanat ng buto sa kantang Tara Pagpawisan.

Kabilang din sa track list ang Crush (Theo Remix), kung saan tampok ang pagra-rap ng Hashtags member at PBB 737 Teen Big Winner na si Jimboy Martin, pati na ang (Hopia Theo Remix) tampok si Bebe Riz BFe Wbh.

Ang album ay ipinrodus ni Rox Santos. Mapapakinggan na ito sa Spotify at mabibili na rin nationwide soon sa halagang P199. Ang digital tracks naman ay maaaring i-download sa online music stores gaya ng ABS-CBN Store, iTunes, Mymusicstore.com.ph, Amazon.com, OneMusic.ph, at Starmusic.ph.

Ma’ Rosa nakatanggap ng Golden Statue Assistance para i-push sa Oscars

Ang Ma’Rosa pala ang kauna-unahang recipient ng Golden Statue Assistance Program ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na pinamumunuan ni Ms. Liza Diño.

Ang Ma’ Rosa ay para i-push ang pelikulang pinagbibidahan ni Jaclyn Jose bilang Philippines’s Best Foreign Language Film entry to the Academy Awards in 2017.

Ang nasabing pelikula ang nagbigay ng best actress award kay Ms. Jaclyn sa Cannes Film Festival.

Si Direk Brillante Mendoza ang tumanggap ng assistance. Kaya naman he expressed gratitude in receiving the FDCP’s help. “Being chosen by the Academy here in the Philippines to represent the Philippines is only the start of the battle. [...] The moment na mapili ka, napili na yung film mo—ano yung next step, that is the most important thing,” pahayag ni Direk sa FDCP.

Para sa bansa ang nasabing nominasyon at ang mga naunang award nila ayon pa kay Direk Brillante. “I think I owe it to my country, kasi kwento naman ng pelikula ko ang Pilipinas. Kwento ng pelikula ko ang mga Pilipino. I’m just giving it back to them.”

Nak ipaglaban ang Ma’Rosa sa mahigit 80 pelikula mula sa iba’t ibang bansa na pinagpipilian para sa Best Foreign Language Film para 89th Academy Awards kung saan lima lang ang official nominees. Magaganap ang awards night ng Oscars sa Dolby Theatre in Hollywood, Los Angeles, USA, on February 26, 2017.

vuukle comment

ENCHONG DEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with