^

Probinsiya

7 opisina ng Masbate PNP, naabo

SPORTING CHANCE - Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
7 opisina ng Masbate PNP, naabo
Sa ulat na ipinarating ni Masbate PNP Provincial Director P/Senior Supt. Jerry Biares sa Camp Simeon Ola, dakong ala-1:30 ng madaling araw, nagulantang ang mga nagbabantay na pulis sa loob ng kampo nang makitang naglalagablab na ang gusali ng Police Community Relation Branch, Intellligence Branch, Supply Branch, WCPD Office, Provincial Internal Affairs Service office, NAPOLCOM office at opisina ng Masbate PNP Crime Lab.
Googlemaps

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Umaabot sa milyong halaga ng ari-arian ang naabo makaraang masunog ang gusali ng pitong opisina ng Masbate PNP Provincial Command sa loob ng Camp Bonny Serrano sa Masbate City kahapon ng madaling araw.

Sa ulat na ipinarating ni Masbate PNP Provincial Director P/Senior Supt. Jerry Biares sa Camp Simeon Ola, dakong ala-1:30 ng madaling araw, nagulantang ang mga nagbabantay na pulis sa loob ng kampo nang makitang naglalagablab na ang gusali ng Police Community Relation Branch, Intellligence Branch, Supply Branch, WCPD Office, Provincial Internal Affairs Service office, NAPOLCOM office at opisina ng Masbate PNP Crime Lab.

Kaagad na rumesponde ang mga tauhan ng pamatay-sunog ng Masbate Provincial Fire Marshall kung saan naapula ang sunog bandang alas-5 ng umaga.

Nabatid na ilang putok ng bala ng baril na sinasabing nakaimbak ang nadamay sa sunog.

Dahil sa sunog nawalan ng kuryente ang buong Masbate City.

Patuloy naman imbestigasyon kung saan inaalam pa ang danyos ng sunog.

vuukle comment

MASBATE PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with