Christmas bonus ng mga empleado ng Quezon City hall, matatanggap na bago mag-November 30
MANILA, Philippines - Matatanggap na ng mga empleado ng Quezon City ang kanilang Christmas bonus at kasama rin dito ang mga consultants atservice contracts bago sumapit ang November 30.
Ito ay makaraang atasanni QC Mayor Herbert Bautista angbudget at accounting departments na ipalabas na angavailable funds na kailangan para sareleaseng naturang benepisyo sa mga empleado .
Ang mga elective at appointive regular plantilla employees ng QC government na permanent/temporary/co-terminus status na nagsilbi ng kabuuang 4 buwang serbisyo kasama ang leave of absence with pay mula January 1 hanggangOctober 31, 2016ay tatanggap ng year-end bonus at cash gift.Ang year-end bonus ay singhalaga ng basic month pay ng mga empleadoatP5,000 cash gift.
Ang mga Consultants at empleadong nasa ilalim ngjob contracts kasama na ang miembro ng People’s Law Enforcement Board (PLEB) na nakapagtrabaho ng apat na buwang serbisyo mula January 4hanggang November 15 na patuloy na konektado sa QC Government as of November 15 ayentitled ngcash gift mula P3,000hanggang P10,000.
Ang mga contractual employees na nagtrabaho ng wala pang apat na buwan mula January 4, 2016hanggang November 20, 2016ay entitled sapro-rata cash benefit.
Sa mga special projects personnel kasama na ang senior citizen volunteers, community health workers, Muslim asatidz (teachers) at pre-school teachers ay tatanggap ngP2,000 cash gift.
Ang mga QC Hall employees ay entitled na makatanggap ng dagdag na incentives sa Disyembre iba pa ang tradisyunal na Christmas bonuses.
Sa mga permanent employees, sila ay tatanggap ngproductivity enhancement incentive pay na kasinghalaga ng kanilang basic monthly salary at productivity incentive benefit na P5,000.
Ang mga consultants at mga empleado na nakapaloob sa contract of services,ang dagdag na incentivenito ay may 50 percentng basic monthly rate ng mga empleado.
- Latest