Duterte: US hindi ko na aawayin
MANILA, Philippines - Siniguro ni Pangulong Rodrigo Durterte na hindi na nito aawayin ang Estados Unidos dahil nanalo na si Donald Trump bilang bago nilang presidente.
Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa kanyang pagharap sa Filipino community kamakalawa sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Sinabi ng Pangulo, binabati niya si Trump na kapareho daw niyang nagmumura kahit konting rason lang.
Una ng inihayag ni Duterte na inaabangan na nito ang pakikipagtrabaho kay Trump para pagandahin pa ang relasyon ng Pilipinas at Amerika.
“Ngayon dito tayo, ayaw ko nga, sabi ko, makipag away kasi andyan na si Trump. But I would like to congratulate President Trump. Mabuhay ka. Pareho tayo magmumura. Konting rason lang, mura kaagad, pare-pareho kami. Kaya lang sabi ko, so sabi ko, hindi talaga ako, I will not, I will not for the life of me na papayag ako nung ano,” wika pa ni Pangulong Duterte.
- Latest