^

Pang Movies

Yeng minsan nang nagpadala sa basher

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Hindi itinanggi ni Yeng Constantino sa isang interview na minsan na rin siyang nagpadala sa pamba-bash. Masyado siyang naapektuhan nang mabasa sa tabloid ang isang write up na isang hit lang ang kaya nitong gawin matapos itong manalo sa Pinoy Dream Academy ng ABS-CBN.

Sobrang nasaktan ang singer at natakot na baka hindi niya mapantayan ang hit song niya na Hawak Kamay. Dahil sa takot ay na-depress si Yeng na sumulat muli ng kanta na halos tumagal daw ng walong buwan.

Nagising lang sa katotohanan si Yeng nang mapanood sa TV ang isang bata na may sakit na kinanta ang Hawak Kamay. Mula noon ay tumigil na si Yeng sa kakadrama niya at agad ay sumulat ng mga kantang gusto niya.

Mabuti na lang at natauhan agad si Yeng na hindi na muling magpadala sa mga bashers at bad critics, kundi sundin lang ang kanyang passion sa pagkanta at pagsusulat ng mga hugot niya sa buhay.

Samantala, mapapanood si Yeng kasama ang Divas Live in Manila sa Nov. 11, 2016 sa Smart Araneta.

Star City nagpaandar

Inilunsad ng Star City ang kanilang 25 anniversary kapiling ang mga bata mula sa 25 charity organizations kamakailan. In full force ang Star City na pinasaya ang mga bata sa kanilang amusement park bilang maagang pa­masko sa mga bagets.

Ang Star City ay binuksan noong 1991 bilang pasyalan ng mga pamilya at magbabarkada na dating kilalang Philcite Toys and Gifts Fair noon. Ngayon ay mayroon na itong mahigit na 30 na iba’t ibang rides at attraction para sa mga bibisita sa Star City. Mula noon hanggang ngayon ay paborito nang hang out ng lahat ang Star City mapa-bata man o matanda. Binuksan na rin ang annex na may adventure zone na kinagigiliwan ng mga empleyado ng mga kumpanyang nagsasagawa ng team building.

vuukle comment

YENG CONSTANTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with