^

PM Sports

Westbrook ‘di napigilan ng Clippers

SPORTING CHANCE - Pang-masa
Westbrook �di napigilan ng Clippers
Naghahanap ng mapapasahan si Russell Westbrook ng Oklahoma matapos ma-pressure nina Chris Paul (#3) at Blake Griffin (#32) ng LA Clippers.

LOS ANGELES – Pumukol si Russell Westbrook ng jumper sa huling 18.7 segundo ng labanan at tumapos ng 35 points para manatiling walang talo ang Oklahoma City Thunder matapos ang 85-83 panalo kontra sa Los Angeles Clippers sa NBA nitong Miyerkules ng gabi.

Nagdagdag si Westbrook ng anim na rebounds at limang assists para sa Thunder na humataw sa huling maiinit na minuto ng laro sa mahigpit na labanan ng Western Conference contenders.

Tumapos si Westbrook ng triple-double sa huling dalawang laro ng Thunder at kinapos lamang ng isang assist sa larong ito dahil nag-focus siya sa  scoring sa harap ng kanyang mga kababayan na sumaksi ng kanyang eksplosibong dunk sa third quarter at  14-of-30 shooting sa 31 minutong paglalaro.

Tumapos si Chris Paul ng 15 points, 11 rebounds at siyam na assists para sa Clippers na may isang tira lang sa loob ng 5 1/2-minuto sa fourth quarter.

Dahil sa nalalapit na pagharap sa Golden State at sa dating kakamping si Kevin Durant nitong Huwebes, hindi inaasa-hang totodo ang Thunder ngunit humataw pa rin si Westbrook na siya na ngayong main man ng koponan.

Ang layup ni Westbrook ang naglagay sa Thunder sa 81-78 kalamangan 2:17 minuto na lang ang natitira at nai-convert niya ang turnover ni Jamal Crawford sa dunk makalipas ang 66 segundo.

Pumukol si J.J. Redick ng 3-pointer para ilapit ang Oklahoma City sa dalawang puntos ngunit nakakuha si Westbrook ng loose ball mula sa Clippers matapos magmintis si Andre Roberson sa kanyang ikalawang free throw bago umiskor ng 17-footer para iselyo ang tagumpay.

Nag-average si Westbrook ng 38.7 points, 12.3 rebounds at 11.7 assists sa kanyang impresibong three-game start sa post-Durant season ng Oklahoma.

vuukle comment

RUSSELL WESTBROOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with