^

PSN Palaro

Irving nagpasikat sa panalo ng Cavaliers laban sa Rockets

Pilipino Star Ngayon
Irving nagpasikat sa panalo ng Cavaliers laban sa Rockets
Pinanood na lamang ni Clint Capela ng Roc­kets ang pagdakdak ni Kyrie Irving ng Cavs sa firsth half ng kanilang laban.

CLEVELAND - Nagi­ging ordinaryo na para kay Kyrie Irving ang kanyang pagpapasikat.

Humataw si Irving ng season-high 32 points at nanatiling malinis ang baraha ng reigning NBA champion Cleveland Ca­valiers matapos talunin ang Houston Rockets, 128-120.

‘He’s growing every day,” sabi ni LeBron James, nagtala ng 19 points at 13 rebounds, kay Irving. “He’s only 24 years old. He’s special.”

Nagdagdag naman si Kevin Love ng 24 points para sa Cleveland na may anim na players na naglista ng double figures.

Itinaas ng Cavaliers ang kanilang record sa 4-0 sa unang pagkakataon matapos ang 16 taon.

Pinangunahan ni James Harden ang Roc­kets sa kanyang season-high 41 points at 15 assists.

Ang three-point shot ni Ryan Anderson ang nag­lapit sa Houston sa 112-114 agwat sa huling 2:18 minuto ng fourth quarter.

Ngunit nagsalpak ng tres sina James, J.R. Smith at Irving para ilayong muli ang Cavaliers sa 125-116 sa natitirang 34 segundo.

vuukle comment

KYRIE IRVING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with