^

PM Sports

Valkan Lady at Prinze Lao nagpakitang-Gilas sa handicap-10

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa ginanap na karera sa Santa Ana Park noong Linggo ay lubusang nagpasikat ang mga kabayong Valkan Lady at Prinze Lao.

Sa mas mataas na grupong Handicap-10 na animo ay mini stakes race na rin ay ipinakita ng Valkan Lady ang kanyang husay na naiparemate ni jockey Jonathan B. Hernandez.

At maganda rin naman ang naipakita ng mga kalaban ng Valkan Lady dahil halos dikit lang ang Marinx at Showtime na magkasunod na tumawid ng meta.

Sa labanan ay hinayaan munang makaratsada ng Valkan Lady, Marinx at Showtime ang sprinter na Haley’s Rainbow, isang imported runner mula sa United States.

Sa kurbada papaliko sa rekta ay doon naman gu-malaw ang Showtime na nakaagaw ng unahan.

Pero hindi nagpadaig ang Marinx na dati ring isang stakes campaigner na mawala sa prize standing.

Nang puntong iyon ay nakapagparemate ang Valkan Lady sa may gitna ng racetrack para kunin ang panalo ng may two horselenght laban sa Marinx, Showtime at Haley’s Rainbow.

Pumangalawa sa Valkan Lady ang Marinx na si-nakyan ni apprentice D.B. Santiago at tersero naman ang Showtime na nirendahan ni Kelvin B. Abobo.

Ang naliyamadong Haley’s Rainbow ay tumapos naman sa pang-apat na posisyon.

Isang matinding pagpaparemate naman ang gina-wa ng Prinze Lao sa isang PRCI Invitational-13.

Sa homestretch ay naagaw ng Prinze Lao ang trangko at malayo pang nanalo kontra sa mga nag-hamong kalaban.

Ang nagbigay ng bandera ay ang Run Atop na nauna nang inakala ng marami na madaling makakamit ang tagumpay.

Ityo ay dahil masyadong malayo ang naitarak na kalamangan ng Rain Atop sa mga kalaban.

Pagsungaw sa rekta ay doon na kumipot ang kalamangan ng Rain Atop sa pagpaparemate ng mga kalabang Mamahalin na dinala ni Pat Dilema at You Are The One na pinatungan ni O.P. Cortez.

Sa pagtatapos ng karera ay nagwagi ang Prinze Lao, samantalang pumangalawa ang Mamahalin kasunod ang You Are The One.

Ang Run Atop na dinala ni J.F. Paroginog ay pang-apat naman sa karera.

Inaasahang magpapanalo pa ang Valkan Lady at Prinza Lao sa mga darating na karera kaya abangan natin ang dalawang kabayo. (JMacaragi)

vuukle comment

VALKAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with