^

PM Sports

PBA teams nagsimula nang magpalakas ng kampanya

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bago kunin sina Gilas Pilipinas pool member Jio Jalalon ay may anim na guards ang Star sa kanilang backcourt.

Ang mga ito ay sina combo guard Paul Lee, nakapalitan si two-time PBA MVP James Yap sa Rain or Shine, Mark Barroca, PJ Simon, RR Garcia, Justin Melton at Alex Mallari.

Kaya naman kaha-pon ay nagpasya ang Hotshots ni coach Chito Victolero, pumalit kay Jason Webb, na ibigay si Mallari sa Mahindra Floodbusters para ma-kuha si 6-foot-6 shooter Aldrech Ramos.

Sinabi ni Victolero na malaki ang magiging kontribusyon ni Jalalon sa Star.

“We can use Jio based sa style niya na defensive guard,” sabi ni Victolero kay Jalalon. “He could also contri-bute sa offense with his passing.”

Naging impresibo naman ang ipinakita ni Ramos sa nakaraang season para sa Mahindra kung saan siya nagposte ng mga averages na 13.3 points at 5.7 rebounds.

Si Ramos ay makakatuwang nina veterans Marc Pingris, Rafi Reavis at Ian Sanggalang sa frontcourt ng Star.

Kinuha naman ng Mahindra ni coach Chris Gavina sa Gilas Pilipinas pool si Russel Escoto at sina Joseph Eriobu, Cedrick Ablaza, Jan Jamon at Paolo Pontejos mula sa regular draft.

Bukod kay Ramos, pinakawalan din ng Floodbusters sa ibang koponan sina shooting forward Niño ‘KG’ Canaleta, bigman Bradwyn Guinto at guard Paolo Taha.

Si Canaleta ay dinala sa Globalport, habang ibinigay si Taha sa Barangay Ginebra at mag-lalaro si Guinto sa TNT KaTropa.

Para makuha si Taha ay ibinigay ng Gin Kings si reserve forward Nico Salva sa Meralco Bolts na kanilang tinalo sa nakaraang 2016 PBA Governor’s Cup Finals.

Makakasama ni Canaleta sa Batang Pier ang mga bagong hugot na sina Rey Guevarra, Mike Cortez at JR Quiñahan.

Ang mga trade deals ay nakatakdang desis-yunan ni PBA Commissioner Chito Narvasa.

 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with