^

Police Metro

Rapist ng guro patay sa pang-aagaw ng baril

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 36-anyos na la­laki na inaresto ng pulisya dahil panghahalay umano sa isang guro ang napatay nang agawan nito ng baril ang isa niyang police escort kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang suspek na si Pablo Dagsa, tubong Samar, at pansamantalang naninirahan sa Phase 9, Package 1, Lot 3, Block 20, Bgy. 176 Bagong Silang, ng naturang lungsod. 

 Bago ito nangyari ay unang nadakip si Dagsa kamakalawa nang ireklamo nang panggagahasa sa isang public school teacher at nang maayos na ang mga papeles para masampahan ng kaso sa piskalya.

Habang  sakay ang suspek ng patrol vehicle nang bigla umanong tangkaing agawin nito ang baril ng escort niyang si PO1 Donacion Marin at bago maiputok ng suspek ang baril ay inunahan na ito ni PO3 Steven Suase.

Sa kasalukuyan ay wala pang detalye ang pulisya sa ulat na panghahalay ng suspek sa isang guro.  

vuukle comment

BARIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with