^

Police Metro

Tinedyer utas, 2 sugatan sa truck

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang 15-anyos na estud­yante habang dalawa ang malubhang  nasugatan nang bumaliktad ang sinasakyan nilang truck kamakalawa ng hapon sa matarik na highway ng Brgy. Catlubong, Buguias, Benguet.

Ang nasawi ay kinilalang si Razel Butata  na nagtamo ng malalalim na sugat sa iba’t ibang bahagi  ng katawan nang maipit sa truck.

Ang dalawang nasugatan na dinala sa Baguio City General Hospital ay ang driver ng truck na si Jerico Butata, 21; at helper nitong si Benson Liwan, 20.

Batay sa ulat, dakong alas-3:00 ng hapon ay binabaybay ng Elf truck (XHY-80) na  puno ng mga kargang gulay  ang kahabaan ng matarik na highway ng Sitio Lusab, Brgy. Catlubong nang mawalan ng preno bunsod upang magpagewang-gewang hanggang sa sumalpok sa konkretong barandilya at bumaliktad.

vuukle comment

TRUCK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with