^

Police Metro

99 sementeryo sa Metro Manila todo bantay na

Joy Cantos, Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines – Todo bantay na ang 99 sementeryo sa Metro Manila matapos na simulan na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kahapon ang pagdedeploy ng kabuuang 9, 533 pulis  upang tiyakin ang seguridad maging sa mga bus terminals at iba pang pampublikong lugar kaugnay ng paggunita sa Araw ng mga Patay sa Nobyembre 1.

 “ Yes, full blast na yung deployment natin to ensure a safest commemoration of All Saints and All Souls Day “, pahayag ni Chief Inspector Kimberly Gonzales- Molitas, Spokesperson ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

 Sinabi ng opisyal na sa mga sementeryo pa lamang ay mahigit 7,000 na ang ipinakalat na mga pulis kabilang ang mga Police Assistance Desk sa mga entrance gate.

 Samantalang ang iba pa ay sa mga bus terminals, paliparan, daungan at iba pang matataong lugar na karaniwang dinaragsa ng mga tao kapag ginugunita ang UNDAS.

Kaugnay nito, todo suporta rin ang AFP-Joint Task Force NCR sa NCRPO na nagpakalat rin ng  150 sundalo para tumulong sa pulisya sa pagbibigay seguridad sa UNDAS sa buong Metro Manila. Nabatid na ang hakbang ay kasunod ng direktiba ni AFP Chief of Staff Gen. Ricardo Visaya sa mga sundalo na pagibayuhin ang seguridad ngayong Todos Los Santos.

Samantala, sinimulan na rin kahapon ng Department of Transportation (DOTr) ang kanilang  programa na ‘Oplan ligtas biyahe, Undas 2016 para magabayan ang  mga motorista at pasaherong bibyahe patungo sa kani-kanilang probinsiya.

vuukle comment

NCRPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with