^

PSN Showbiz

Macky feeling stepfather na sa mga anak ni Sunshine?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Pati kami curious kung “gorgeous” ang isa sa terms of endearment nina Sunshine Cruz at Macky Mathay dahil madalas nila itong gamitin sa conversation nila sa social media. May post si Macky na tinawag nitong “gorgeous” ang GF at sa isang post naman ni Sunshine, sabi nito “See you soon gorgeous.”

Napansin din ng followers ni Sunshine na laging may comment si Macky sa mga post ng aktres sa mga ginagawa niya at pati sa mga ginagawa ng tatlong anak. Sabi tuloy ng mga kinikilig kina Sunshine at Macky, magiging mabait na stepfather si Macky sa mga anak ni Sunshine.

Speaking of Sunshine, hindi ba exclusive ang contract niya sa ABS-CBN? Kaya kami nagtatanong dahil nag-guest siya sa isang episode ng Dear Uge ng GMA-7.

Joey dumaan sa dalawang operasyon matapos mag-Japan

Sa November 23 ang showing ng Viva Fims movie na Working Beks, sana bago ang sho­wing, makalabas na sa ospital si Joey Paras, isa sa cast ng movie at makasama sa promo ng pelikula. Ito ay kung papayagan siya ng doctor na magpagod.

Na-ospital si Joey sa St. Luke’s Medical Center Global at kung tama ang hashtag niya na #angiogram #angioplasty, pareho niyang dinaanan ang mga prosesong ito para maayos ang deperensya ng kanyang puso.

Kagagaling sa Japan si Joey kasama ang mga taga-Sunday PinaSaya. Si Chris Martinez ang director ng Working Beks na bida rin sina John Lapus, Edgar Allan Guzman, Prince Stefan at TJ Trinidad. Sabi ni Direk Chris, comedy/drama ang kanyang pelikula at #entertainmentwithastatement.

vuukle comment

SUNSHINE CRUZ AT MACKY MATHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with