^

PSN Showbiz

Juday hirap sa pagpapapayat!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Medyo malusog pa si Judy Ann Santos nang napanood namin sa birthday episode ni Kuya Boy Abunda ng Tonight with Boy Abunda noong isang gabi.

Puspusan naman daw ang pagpapayat ni Juday dahil tatlong projects ang maaring simulan niya sa susunod na taon. Isang pelikula with Cong. Vilma Santos at Charo Santos ang posibleng gagawin niya. Kung matuloy ito, talagang laban ito ng mga Santos ah!

Maaring gagawin din daw nila ni Ryan Agoncillo ang pangatlong part ng Kasal-Kasalan, Sakal-Sakalan, at meron pang isang pelikulang ididirek ni Olive Lamasan.

Sa ngayon ay aligaga muna si Juday sa pagpapayat at sinasabayan pa siya ni Ryan at pati nina Yohan at Lucho. Isinisingit din niya ang promo ng pelikula niyang Kusina na magsu-showing na sa commercial theaters sa November 9.

PAK: Matagal bago nasagot ni Direk GB Sampedro kung nagkaroon ba sila ng romantic na relasyon ni Ritz Azul. Naging item sila nung ginawa nila ang Cinemalaya entry na Separados. Pero sabi ni Direk GB, hindi naman daw talaga naging sila ni Ritz. Sabi kasi ni Ritz, no boyfriend since birth daw siya.

Kaya sabi ni direk GB; “Naging mas close kami dahil sa Separados, nagkakilala kami sa TV5 tapos nagtrabaho kami sa Separados, then after nu’n siguro dumalas lang na nagkasama kami.”

Pero masaya raw siya ngayon na gumanda ang career ni Ritz sa ABS-CBN. Huwag na raw siyang intrigahin kay Ritz dahil ang mas focus naman ngayon ni direk GB ay ang pagsali nila ng pelikulang dinirek niyang Mang Kepweng Returns ng Cineko Productions.

Isinumite na ni Direk GB ang pelikulang ito sa Screening Committee ng Metro Manila Film Festival at sana nga raw ay makapasok ito sa Magic 8 na maaring i-announce na sa second week of November.

BOOM: Isa sa pinakamasaya si Binibining Pilipinas Universe Maxine Medina sa pagkapanalo ni Kylie Versoza sa Ms. International.

Kapatid ni Maxine si Kylie sa Aces and Queens ni Jonas Gaffud at isa siya sa masayang-masaya nang masungkit ni Kylie ang korona ng Ms. International 2016. Hindi naman daw niya kinu-consider na challenge kundi inspirasyon daw na dapat makuha rin niya ang Ms. Universe crown.

Mas lalo kaming na-inspire. We’re trying hard of course to get the crown and we’re very excited for our pageants,” pakli ni Maxine na kung saan may mga kasama pa siyang lalaban din sa ibang international beauty pageants.

Todo raw ang preparasyon niya ngayon para sa Ms. Universe.

“I have to focus… of course to be updated in current events, and siyempre as Ms. Universe representative, I have to know everything what’s happening in the country, what’s happening in the whole world. I even discussed it with my friends and family para laban na talaga kung laban,” pahayag nito na hindi rin masagot kung dito na nga ba sa bansa gaganapin ang Ms. Universe 2016.

vuukle comment

JUDY ANN SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with