^

Metro

Contractor patay sa ambush

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Utas ang isang contractor makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Arnaldo Hizon, 41, nakatira sa Brgy. Niugan ng naturang lungsod sanhi ng tinamong ilang tama ng bala sa ulo at katawan buhat sa isang kalibre .45 pistol.

Blanko pa ang pulisya sa pagkakakilanlan ng mga suspect at nagsasagawa pa sila ng follow-up hinggil sa insidente.

Ayon kay Malabon City Police Station Investigation Division Police Insp. Paul Dennis Javier, naganap ang insidente alas-9:30 ng gabi sa kahabaan ng Pilapil C. Perez St.,  ng naturang siyudad.

Minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo at habang binabagtas nito ang naturang lugar ay biglang humarang   sa kanya ang  isang motorsiklong walang plaka sakay ang dalawang kalalakihan.

Walang salitang pinagbabaril ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan habang ang mga suspect ay mabilis na tumakas patungong Brgy. Tonsuya ng naturang lungsod.

Ayon sa Malabon City Police ay palaisipan pa sa kanila ang ginawang pamamaslang sa biktima habang  nagsasagawa na sila ngayon ng malalimang imbestigasyon.

vuukle comment

CONTRACTOR PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with