^

PM Sports

2-panalo na lang ang kulang ng La Salle

Pang-masa

MANILA, Philippines – Lumapit sa target na outright Finals berth ng UAAP Season 79 men’s basketball tournament ang De La Salle University matapos manaig laban sa University of the East sa iskor na 95-66 sa mga larong ginanap sa Araneta Coliseum kahapon.

Pinangunahan ni Ca-meroonian center Ben Mbala ang Green Archers na nagtala ng 26 puntos, 20 rebounds at 4-blocks, habang gumawa naman ng 20 puntos ang kanilang kapitan na si Jeron Teng kasunod  si Thomas Torres na may 12- puntos.

Dahil sa panalo, kaila-ngan na lang magwagi ng La Salle (12-0) sa kanilang huling dalawang laro laban sa karibal na Ateneo at defending champions FEU para makumpleto ang sweep sa elimination round at dumiretso sa Finals ngayong season.

“Umaangat na ‘yung level ng laro namin. Pero may mga aspects pa na kailangan namin trabahuin, good thing, right now I can say we’re playing as a team and sharing the basketball,” pahayag ni La Salle coach Aldin Ayo.

“The players are matu-ring also, hindi ‘to puro star player or tirador, nagiging well-rounded na mga ‘to, some of them na-accept na yung roles. It’s not all about scoring. They’re doing the little things.”

Tumapos naman ng 17 puntos si forward Alvin Pasaol para sa Red Warriors na nalasap ang kanilang pangatlong sunod na pagkatalo, pang-siyam sa labing-isang laro dahilan para tuluyan silang matanggal sa Final Four race sa pang-pitong sunod na taon.

Sa sumunod na laro, ipinalasap ng University of the Philippines sa National University ang kanilang pang-anim na sunod na pagkatalo sa iskor na 71-66.

Itinala ni rookie Javie Gomez De Liaño ang lahat ng kanyang 13 puntos sa second half para pamunuan ang Maroons na makatabla sa 4-8 panalo-talo  ang Bulldogs at buhayin ang kanilang tsansang makapasok sa Final Four.

Ito ang unang pagkaka-taon simula noong Season 69 na nakapagtala ng apat na panalo ang UP. FML

vuukle comment

UAAP SEASON 79 MEN’S BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with