^

PM Sports

Lebron humataw sa panalo ng Cavs

Pang-masa
Lebron humataw sa panalo ng Cavs
Na-foul si LeBron James ng Cleveland ni Derrick Rose ng New York.

CLEVELAND – Nagposte si LeBron James ng triple-double sa pagsisimula ng pagdedepensa ng Cleveland Cavaliers sa kanilang korona upang gibain ang New York Knicks, 117-88.

Umiskor din si guard Kyrie Irving ng 29 points at nagtala ang NBA Finals MVP na si James ng 19 points, 11 rebounds at 14 assists sa gabing ibinigay sa mga Cavs ang kanilang 2015-2016 championship rings.

Bago ang laro ay itinaas muna ng Cavs ang kanilang championship banner mula sa epikong 2015-2016 season kung saan nila binalikan ang Golden State Warriors mula sa 1-3 agwat sa NBA Finals noong Hunyo.

Ipinagdiwang din ng mga fans na dumagsa sa Quicken Loans Arena ang pagharap ng Indians baseball team laban sa Chicago Cubs sa Game One ng World Series.

Nang makagawa ng opening runs ang Indians kontra sa Cubs ay nagsigawan ang kanilang mga fans ng “Let’s Go Tribe!” hanggang matapos ang laro.

“If you’re not from here, live here, play here, or get yourself to Cleveland, then it makes no sense for you to live at this point,” sabi ni James sa pre-match ceremonies. “Cleveland against the world!”

Inihandog din sa bawat Cavs players, coaches, front-office at owners ang kani-kanilang diamond-encrusted 6.5 carat rings para sa paghahari ng Cavaliers na tumapos sa 52-taon na paghihintay ng lungsod ng Cleveland para sa isang major US sporting title.

“It was a great moment, to be able to relive our accomplishment from last year one more time, something that’s always going to be with us. It was an unbelievable atmosphere tonight,” ani James matapos ang panalo sa Knicks, kumuha kina Derrick Rose at Joakim Noah sa offseason.

Ang three-point shot ni Kevin Love ang nagbigay sa Cavaliers ng 28-18 abante sa first period bago nakadikit ang Knicks sa halftime 42-44. Ngunit nang mag-init ang mga Cavs sa second half ay hindi na nakabangon ang Knicks.

vuukle comment

LEBRON JAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with