^

Police Metro

Sa pakikipag-miting sa Chinese President... US masyadong nerbyoso - Du30

Rudy Andal - Pang-masa
Sa pakikipag-miting sa Chinese President... US masyadong nerbyoso - Du30
Bago umalis kahapon patungong Tokyo, Japan si Pangulong Rodrigo Duterte ay nagbigay ito ng kanyang departure ceremony sa Ninoy Aquino International Airport, Terminal 2, Pasay City. Ang state visit ni Pangulong Duterte ay para makipagpulong kay Prime Minister Shinzo Abe.
KrizJohn Rosales

MANILA, Philippines – Kaliit-liit kong tao, anong international stress? Mga nerbyoso kayo (US)”.

Ito ang inihayag ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte dahil sa pagiging nerbyoso ni US State Department Assistant Sec. Daniel Russel  na mas­yadong malikot ang isip matapos niyang kausapin si Chinese President Xi Jinping sa kanyang 4-day state visit sa Beijing kamakailan.

Sa kanyang departure statement kahapon bago magtungo sa Tokyo para sa kanyang 3-araw na official visit, nais niyang makausap ng one on one si Russel matapos ang mga binitiwan nitong pahayag kamakalawa makaraang makipag-usap kay Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay Jr.

Nasa bansa si Russel upang linawin ang naging pahayag ni Duterte kaugnay sa ‘pagkalas’ nito sa Estados Unidos sa usapin ng military at ekonomiya na sinabi nito habang nasa China.

Aniya, ang tanging pinag-usapan lamang nila ni President Xi ay kung paano mag­luto ng siopao at wala ng iba.

Ibinunyag din ni Duterte na tinawagan siya ni Sec. Yasay matapos makipag-usap kay Russel at sinabing pakiusap daw ng US state department official na ‘he should tone down his “rhetorics”.

“Ayoko na sana (patulan), pero ngayon nabasa ko ng umaga ‘Duterte sparking international distress’. Etong mga Amerikano buwang talaga,” wika pa ni Duterte.

Inulit din ni Duterte ang kanyang intension na tapusin na ang joint military exercise sa US at huli na ang naganap nitong Oktubre.

Idinagdag pa ni Pangulong Duterte na hindi siya ang nagsimula ng pakiki­pag-away sa US bagkus ay sumagot lamang siya dahil sa pambabastos na ginawa sa kanya.

Aniya, nagsimula ito ng makialam ang kanilang ambassador sa Pilipinas noong eleksyon at nakisawsaw sa pagtuligsa sa akin kasama ng mga Dilawan.

Nakisawsaw sa isyu noong eleksyon si Ambassador Philip Goldberg at nagbigay ng kanyang opinion hinggil sa isang pangyayari sa Davao City kung saan ay isang missionary ang ni-rape, ginawang hostage ng mga preso.

“Gusto kong makausap ng one on one itong Russel na ito. Para ipaliwanag na hindi sa akin nagsimula ang away kundi sa kanila dahil binastos nila ako,” giit pa ni Duterte.

Wika pa ni Duterte, hindi rin siya susunod sa pakiusap ni Russel na mag-tone down sa kanyang mga ‘rhetoric’.

Idinagdag pa ni Duterte, ang mga ibinibintang sa akin ng US at UN na ako at gobyerno ang nasa likod ng extra judicial killings sa Pilipinas kaugnay sa giyera kontra droga ay walang katotohanan.

Nilinaw din nito na wala siyang plano na magkaroon ng panibagong VFA sa anumang bansa dahil ang gusto niyang mangyari ay tanging sunda­long Filipino lamang ang makita niyang nag-iikot sa Pilipinas at walang mga dayuhang military.

vuukle comment

US

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with