^

PSN Showbiz

Sarah at Alden gustong pagsamahin

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Sarah at Alden gustong pagsamahin
Alden at Sarah

Natutuwa ang fans nina Sarah Geronimo at Alden Richards dahil pareho silang endorser ng OPPO cellphone. Pareho ring endorser ang dalawa ng Cebuana Lhuillier, kaya ang request ng kanilang fans, sana may TVC sina Sarah at Alden na magkasama.

Samantala, big winner si Alden sa PMPC Star Awards dahil sa hinakot na awards. Nanalo siyang Best Male Pop Artist (ka-tie si Darren Espanto), Pop Album Of The Year, Album Of The Year at Song Of The Year (Wish I May).

Hindi personal na natanggap ni Alden ang trophy niya dahil dumalo sila ni Maine Mendoza sa anniversary ng Tamang Panahon kasama ang AlDub Nation. Si Kristoffer Martin ang pina­kiusapan nitong tumanggap ng kanyang award at binasa ang message of thanks sa mga bumoto sa kanya.

Pelikula nina Anne, Dennis, at Paolo hinihiritang ipalabas sa iba pang lugar sa US

Nag-post si Dennis Trillo ng international scree­ning ng Bakit Lahat ng Gwapo may Boyfriend?!. Mapapanood ito sa October 28 sa New York, Los Angeles, Dallas, Chicago, Seattle, Las Vegas, Washington, San Diego, Guam, San Francisco, Sacramento at Norfolk.

Masaya siyempre ang mga Pinoy sa mga nabanggit na states sa Amerika kung saan mapanood ang movie nina Dennis Trillo, Paolo Ballesteros, at Anne Curtis. Kaya lang, nagre-request ang mga state na wala sa listahan na magkaroon din ng screening sa kanilang lugar ang Viva Films movie.

Samantala, nasa Japan na si Paolo para sa Tokyo International Film Festival kung saan kasama sa main competition ang Die Beautiful sa direction pa rin ni Jun Lana.

Encantadia pahahabain dahil sa Alamat

Mukhang mag-aabot pa ang airing ng Encantadia at bagong fantaserye ng ABS-CBN na Alamat dahil parang hindi pa magtatapos sa December ang fantaserye ng GMA-7 na unang plano.

Nabanggit ni Director Mark Reyes sa presscon ng Encantadia na hanggang December ang airing nila, pero tila nag-iba ang plano. May nakausap kaming isang cast ng fantaserye na nadulas at nabanggit na hanggang January 2017 pa ang taping nila. Kung totoo, baka umabot pa hanggang March ang airing nito.

Nabasa namin ang “Malapit na!” na announcement ng ABS-CBN sa Alamat at nakasulat pa ang “Mula sa lumikha ng pinakamalalaking FANTASERYE sa telebisyon na Marina, Lobo at Imortal... ALAMAT. Malapit na!”

Samantala, isa sa aabangan sa Encantadia ang paghaharap ng past and present Pirena na sina Sunshine Dizon at Glaiza de Castro. But this time, ginagampanan na ni Sunshine ang role ni Adhara na isang kontrabida.

vuukle comment

SARAH GERONIMO AT ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with