^

PSN Showbiz

Pagbabalik sa bakbakan ni Pacman kapos pa rin sa ingay

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Pagbabalik sa bakbakan ni Pacman kapos pa rin sa ingay
Manny

Malapit na malapit na ang boxing ring comeback ni Senator Manny Pacquiao pero marami ang nakukulangan sa ingay ng paghaharap nila sa November 5 ng American boxer na si Jessie Vargas.

Nang lumipad sa Amerika si Papa Manny at ang kanyang misis na si Jinkee Pacquiao noong nakaraang linggo, hindi rin ito masyadong napansin ng mga Pinoy na likas ang hilig sa boxing pero hindi yata interesado sa boksingero na makakalaban ng Pambansang Kamao.

Pati ang mga pulitiko na palaging present sa mga nakaraang boxing fight ni Papa Manny, nananahimik. Hindi katulad noon na talagang puwedeng magkaroon sa Las Vegas ng session ng mga senador at congressmen dahil personal ang pagsuporta nila kay Papa Manny.

Dalawa pang Pinoy lalaban din

Ang laban nina Nonito Donaire at Jessie Magdaleno ang undercard ng Pacquiao-Vargas fight.

Parehong Jessie ang pangalan ng mga makakasagupa nina Papa Manny at Nonito kaya talagang dapat mag-win ang mga Pinoy boxing champion.

Sa November 5 ang laban nina Papa Manny at Nonito sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas pero mapapanood ito sa Pilipinas sa November 6.

Ewan ko lang kung mapapanood sa mga sinehan ang comeback fight ni Papa Manny dahil hindi nga ito masyadong maingay. Marunong na rin na manghinayang ang mga addict sa boxing dahil namamahalan na sila sa P500 at P600 tickets na sinisingil sa mga sinehan na pinagtatanghalan ng mga laban ni Papa Manny.

Kahit maselan ang kuwento, pelikula ni Lovi at Derek binigyan ng R-13!

Masaya na ibinalita ni Roselle Monteverde ng Regal Entertainment, Inc. na R-13 Without Cuts ang classification na ibinigay ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa The Escort, ang coming soon movie nina Lovi Poe, Derek Ramsay, at Christopher de Leon.

Maselan ang kuwento ng The Escort kaya nakahinga nang maluwag si Roselle sa desisyon ng MTRCB na bigyan ng R-13 ang pelikula ng direktor na si Enzo Williams.

Mahusay na direktor si Enzo kaya naman nagmamarka sa mga tao ang kakaibang trailer ng The Escort.

Gustong-gusto nila ang eksena na nakatalikod si Lovi na nakasuot ng red gown habang pumapasok sa isang malaking pinto. Kung ano ang simbolo ng eksena, malalaman natin sa November 2, ang playdate ng The Escort sa mga sinehan.

Showbiz personality naglulustay ng pera ‘pag nawawala sa sarili

May malaking halagang pera na naipon ang isang showbiz personality na may mabigat na problema na pinagdaraanan.

Worried ang mga nasa paligid ng showbiz personality na baka malustay lamang ang datung niya dahil nawawala siya sa sarili kapag may problema.

Malaki-laki rin ang savings ng problematic showbiz personality at sayang naman kung mapupunta sa wala ang kanyang mga pinaghirapan dahil may ugali siya na todo-pasa kapag sinusumpong ng depression.

Dayanara Torres hindi pa rin pilipit ang dila sa pananagalog

Hindi pa rin nakakalimutan ni Miss Universe 1993 Dayanara Torres ang Pinoy language.

Pinanood ni Dayanara ang concert ni Gary Valenciano sa Los Angeles noong October 23 at tuwang-tuwa siya dahil nagkita sila ng dating co-star niya sa isang pelikula ng Star Cinema.

Fluent pa rin si Dayanara sa pagsasalita ng Tagalog dahil sa kanyang komento na “Sobrang excited ako manood ng The Filipino Concert sa The Greek Theater ngayong gabi!

“Ang daming masayang alaala! Enjoying time with my Pinoy friends! Mahal ko kayo lahat!” ang sey ng dating Miss Universe na tinalbugan ang mga Pinoy na trying hard sa pagsasalita ng Ingles.

vuukle comment

PACMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with