^

PSN Showbiz

Matapos itapon ang serye nila ni Gerald, Yen kay Jericho ibinigay!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Matapos itapon ang serye nila ni Gerald, Yen kay Jericho ibinigay!
Yen Santos

MANILA, Philippines – Papasok naman pala si Yen Santos sa teleseryeng Magpahanggang Wakas na pinagbibidahan nina Jericho Rosales and Arci Muñoz. 

Ano kaya ang papel na gagampanan niya sa panibagong yugto ng buhay ni Waldo (Jericho) na malayo kay Aryann (Arci)?

Napapanood ang Magpahanggang Wakas pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano  sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). 

Ito ay kasabay ng media announcement ng balik-tambalan nina Gerald Anderson and Kim Chiu na Ikaw Lang Ang Iibigin noong isang gabi.

Nauna nang nakapag-taping sina Gerald at Yen para sa teleseryeng Because You Love Me sa Mindoro pero nag-decide umano ang kinauukulan ng Kapamilya Network na si Kim ang itambal kay Gerald kaya tinapon na lang ang mga nakunang eksena nina Gerald at Yen.

Gretchen ka-join ng mga negosyante sa Japan

Nasa Tokyo, Japan si Gretchen Barretto.

Kasama siya ng partner niyang si Mr. Tony Boy Cujuangco na kabilang sa Business Delegation ni President Duterte sa Japan. “Thank you dear president, such an honor to be part of the Business delegation,” pagbabahagi ni Gretchen sa kanyang ini-upload na videogram kahapon mula sa Tokyo, Japan.

Iba pa sa listahan ng PNP, Digong may sariling listahan ng mga pusher and user na celeb

Uy ay nasa Malacañang na raw ang listahan ng 30 artistang suspek na durugurista at nagtutulak ng droga sa showbiz.

So by this time, alam na tiyak ni President Rody Duterte kung sinu-sino sila. Pero tiyak pagbalik na niya ng Japan mahaharap ang nasabing listahan.

Base sa mga narinig kong interview ni PNP Chief Bato Dela Rosa kahapon, ang nasabing mga pangalan ay galing sa NCRPO.

Bukod pa raw ito sa mga pangalan na nasa listahan ni Presidente Duterte.

“Meron siyang mga celebrity watchlist,” pagkukumpirma ng sikat na PNP chief.

Actually, binanggit niya (Bato) pang mas marami nga raw ang nasa listahan ng Pangulo.

Ipiniyok umano ang mga pangalan ng mga naaresto tulad nina Krista Miller, Sabrina M., at Karen Bordador.

Kaya wait natin na pangalanan ng pangulo ang mga nasabing kasali sa listahan.

Tiyak na marami na namang mga artistang napa-praning ngayon.

May isang aktres na balitang ayaw nang maglalabas ng bahay sa takot na ma-Oplan Tokhang.

                                               

vuukle comment

YEN SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with