^

Bansa

Duterte hindi magpapa-‘tuta’ sa kahit anong bansa

Butch M. Quejada, Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Siniguro kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi ito magpapa-”tuta” sa kahit kaninong bansa bagkus ay magiging tuta lamang siya ng mga Filipino.

Ito ang binigyang-diin ng Pangulo sa kanyang departure speech bago tumulak patungong Tokyo, Japan para sa kanyang 3-araw na official visit.

“I am not a ‘tuta’ of any country. Ang puwede lang magtuta sa akin ay ang mga Pilipino,” giit ni Duterte sa kanyang mensahe kahapon bago sumakay sa Philippine Airlines (PAL) flight 001 sa NAIA terminal 2.

Sinabi ng Pangulo, mananatili ang pagpapatupad niya ng independent foreign policy at hindi siya pabor na magkaroon ng panibagong Visiting Forces Agreement (VFA) sa ibang bansa.

Aniya, hindi naman kailangan ng Pilipinas ang ganitong mga kasunduan dahil wala naman tayong planong pumasok sa giyera.

Idinagdag pa ni Du­terte, pangarap niya na isang araw ay makita na tanging mga sundalong Filipino lamang ang nasa Pilipinas at walang mga dayuhang sundalo.

Kamakailan ay sinabi ni Duterte sa pagbisita niya sa Beijing, China na ‘hiwalay’ na ang bansa at USA pagdating sa usapin ng military at economic ties.

Samantala, sinabi ni Duterte na hindi niya muna masasabi ang mga pa­ngalan ng nasa narco list dahil napakarami nito may mga Barangay Captains, Mayor, Congressman, mga artista, pushers at users sa listahan.

Ayon kay Duterte, sa dami ng mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot at kundi ito mapi­pigilan babagsak ang Pilipinas at ang mga kinabukasan ng mga bata ay malalagay sa alanganin.

vuukle comment

PANGULONG RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with