^

Bansa

174 pulis positibo sa droga

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
174 pulis positibo sa droga
Umaabot na sa 174 pulis ang nagpositibo sa paggamit ng droga kaugnay ng patuloy na ‘internal cleansing” ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang hanay na pinakamalaki ang bilang sa loob ng pitong taon.

MANILA, Philippines – Umaabot na sa 174 pulis ang nagpositibo sa paggamit ng droga kaugnay ng patuloy na ‘internal cleansing” ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang hanay na pinakamalaki ang bilang sa loob ng pitong taon.

Ito ang nabatid kahapon kay PNP-Crime Laboratory Director P/Chief Supt. Aurelio Trampe base sa hawak nilang data mula Enero hanggang  sa kasalukuyang buwan ng 2016. 

Sinabi ni Trampe na sa nasabing bilang ay 164 ang mga pulis habang nasa pito ang non-uniformed personnel.

Ayon kay Trampe, sa isinagawa nilang mandatory drug testing sa 159,000 PNP personnel ay lumitaw na 174 sa mga ito ang posi­tibo sa paggamit ng droga na karamihan ay shabu habang ang iba ay lulong sa marijuana at ecstasy.

Aminado naman ang opisyal na lubhang nakakaalarma na matuklasan na marami sa mga pulis ang lulong sa bawal na droga.

Dati’y random drug testing lamang ang isinasagawa ng PNP pero sa pagpasok ng  administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte itinodo ang drug testing.

Kasalukuyan namang sumasailalim sa summary dismissal proceedings at kasong administratibo ang mga nagpositibo sa droga.

vuukle comment

DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with