^

Bansa

Pinas bibili ng 2 brand new warship sa South Korea

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos ang pagbili ng mga segunda manong barkong pandigma mula sa Estados Unidos, bibili ng mga brand new na mga warship ang Philippine Navy mula sa South Korea.

Ito’y matapos na lagdaan na kahapon nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at mga opisyal ng Hyundai Heavy Industries ng Korea  ang kontrata sa pagbili ng AFP ng dalawang bagong frigates para sa Philippine Navy.

Nabatid na nagkakahalaga ng P336.9 milyong dolyar o mahigit P18.7 bilyon ang halaga ng mga bagong barkong pandigma na bibilhin sa South Korea.

Ang frigate acquisi­tion program, ang  pina­kamala­king proyekto ng Philippine Navy, at ang pinaka-mahal na kontratang nilagdaan sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Capt. Lued  Lincuna, director ng Naval Public Affairs Office, ang pagbili ng dalawang bago at modernong frigates ay isang malaking hakbang sa bansa at higit pang makapagpapaangat ng capability upgrade ng Phi­lippine Navy.

vuukle comment

SOUTH KOREA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with