^

Bansa

‘Binastos ako ng US’ - Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
�Binastos ako ng US� - Digong
Sinabi pa ni Pangulong Duterte, nakisawsaw sa isyu noong eleksyon si Ambassador Philip Goldberg at nagbigay ng kanyang opinion hinggil sa isang pangyayari sa Davao City kung saan ay isang missionary ang ni-rape, ginawang hostage ng mga preso.
File photo

MANILA, Philippines – Iginiit kahapon ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na hindi siya ang nagsimula ng pakikipag-away sa Amerika bagkus ay sumagot lamang ito dahil binastos umano siya.

Ito ang nilinaw ni Pa­ngulong Duterte sa media briefing bago siya tumulak patungong Tokyo, kahapon para sa kanyang 3-araw na state visit.

Aniya, nagsimula ito ng makialam ang US Ambassador noong eleksyon at nakisawsaw sa pagtuligsa sa Pangulo kasama ng mga dilawan.

Sinabi pa ni Duterte, nakisawsaw sa isyu noong eleksyon si Ambassador Philip Goldberg at nagbigay ng kanyang opinion hinggil sa isang pangyayari sa Davao City kung saan ay isang missionary ang ni-rape, ginawang hostage ng mga preso.

“Gusto kong makausap ng one on one itong Russel na ito. Para ipaliwanag na hindi sa akin nagsimula ang away kundi sa kanila dahil binastos nila ako,” giit pa ni Duterte.

Wika pa ni Duterte, hindi din siya susunod sa pakiusap ni US state department Assistant Sec. Daniel Russel na mag-tone down sa kanyang mga ‘rhetoric’ nang makausap nito si DFA Sec. Perfecto Yasay Jr. kamakalawa.

“Ang mga ibinibintang sa akin ng US at UN na ako at gobyerno ang nasa likod ng extra judicial killings sa Pilipinas kaugnay sa giyera kontra droga ay walang katotohanan,” dagdag ni Duterte.

Aniya, mayroong ma­matay dahil sa drug war lalo ang mga luma­laban sa mga pulis pero hindi lahat ng namatay ay dapat ibintang sa gobyerno dahil may mga vigilante o sila-sila mismo sa loob ng sindikato ang nagpapatayan.

Inakusahan din ni Digong na nerbiyoso si Russel dahil sa malikot na pag-iisip nito at paghihinala na mayroong nabuong alyansa sa pagitan ng Pilipinas at China sa kanyang ginawang pakikipag-usap kay President Xi Jinping.

vuukle comment

PA­NGULONG RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with