Palakasin ang PBA misyon ni Romero
MANILA, Philippines – Sinabi ni GlobalPort owner at 1-Pacman party-list Rep. Mikee Romero na hindi dapat makuntento ang PBA sa natamasang tagumpay sa nakaraang Governors’ Cup Finals at nanawagan sa mga league officials na palakasin ang liga sa internet para mas lalong marami ang makasubaybay.
“PBA has to be a habit again,” sabi ng incoming league chairman sa kanyang talumpati sa PBA Press Corps Awards Night sa Gloria Maris sa loob ng Gateway sa Cubao noong Sabado ng gabi.
Magsisimula ang pa-nunungkulan ng 44-gulang na si Romero bilang chairman sa susunod na buwan sa annual planning session ng Board of Governors sa South Korea. Papalitan niya si San Miguel Beer governor Robert Non.
“Mr. Non is a tough act to follow, so I hope I can also get the support of all team owners and their representatives,” sabi ni Romero.
Natuwa si Romero sa malaking gate attendance sa klasikong title series ng nag-champion na Barangay Ginebra at Meralco ngunit kailangang mapanood din ito ng mga fans na hindi lamang dito sa bansa kungdi ng 11 million Overseas Filipino Workers (OFWs).
“We have to go high-tech, that’s the only way we can bring PBA back to the consciousness of every Filipino whether they are in the country or working abroad,” sabi ni Romero.
- Latest