^

Punto Mo

Obusan, maging bulag, pipi at bingi rin kaya sa violent dispersal sa mga raliyista?

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

UMANI ng sandamakmak na pogi points si PNP chief Dir. Gen. Ronald “Bato” de la Rosa sa kampanya laban sa droga ni Pres. Digong subalit biglang naglaho na parang bula dahil sa violent dispersal ng mga raliyista sa harap ng US embassy noong nakaraang linggo. Katunayan, maging ang kanyang mga kapwa hepe ng pulisya sa Thailand, Indonesia at iba pang bansa sa ASEAN ay hanga kay Bato. Subalit habang paulit-ulit na piniplay-up ang video sa TV news ng pananakit ng mga pulis sa mga ralyista, lalo ang pagsagasa sa kanila ng police service vehicle at ang paghatak sa driver ng isang jeepney na pinagpapalo pa, aba’t hinahatak din nito pababa ang kapogihan ni Gen. Bato. Get’s n’yo mga kosa? Marami kasi ang sugatan sa magkabilang kampo kaya’t kahit nasibak na sa puwesto ang grupo ni Sr. Supt. Marcelino Pedrozo, ang DDDO ng Manila Police District (MPD) at overall commander ng CDM unit, hindi pa rin mapakali ang mga lider ng mga raliyista. Kung sabagay, baka mapawi na rin ang galit ng magkabilang grupo kapag nakausap na sila ni Digong, di ba mga kosa? Punyeta! Maraming batikos na ang inaabot nitong si Digong dahil sa kadakdakan niya at nadagdagan pa ng violent dispersal. Puwede naman palang pumasok sa Palasyo itong lider ng mga militante, puwede ba idiretso na nila kay Digong ang kanilang problema at huwag nang magmartsa sa kalye dahil nakadagdag pa sila ng trapik?

Sa totoo lang, dapat ding sigurong ipakita ang buong footage ng dispersal para maarok ng sambayanan kung sino ba talaga ang nagsimula ng kaguluhan. Dahil sa sagasa at paghatak sa driver ng jeepney, maging ang mga opisyal ng PNP sa Camp Crame ay nagpuputok ang butse at ang komento ay dapat hindi humantong sa ganung sitwasyon ang dispersal ng raliyista. Dapat daw sibakin sa PNP ang driver ng police vehicle na ang dahilan ay buhay niya ang nakataya kaya nangyari ‘yun. Kung sabagay, madali lang magkomento sa sitwasyon na yaon subalit kapag sa punto na ikaw na mismo ang nasasaktan baka hindi mo rin alam ang gagawin mo kapag pulis ka, di ba mga kosa? Hehehe! Sino ba ang gustong masaktan ng kapwa n’ya Pilipino? Punyeta! Ang pulis na nakitaan na may maliit na baril, t’yak replica lang yun o di kaya’y peke na galing Quiapo para gamiting panakot lang. Tumpak!

Ang CIDG ni Chief Supt. Roel Obusan ang naatasang mag-imbestiga ng insidente. Sa tingin n’yo ba mga kosa makakuha ng patas na laban ang mga kaliwa sa CIDG? Siyempre, love thy own, di ba mga kosa? Kaya ang suspetsa ng mga kaliwa, walang patutunguhan ang CIDG investigation at sa katunayan pabor sa kapulisan ang magiging resulta nito. Pero sa tingin ko naman, tama lang na ang CIDG ang humawak ng kaso kasi nga sa wakas meron silang trabaho imbes na puro tong collection na lang ng mga bataan ni alyas Baby M., ang pagkaabalahan nila. Si Baby M. mga kosa ay dating bagman ni ret. Gen. Marcelo Garbo, ang isa sa limang pulis na inakusahan ni Digong na sangkot sa droga. Kung ang tong collection ng CIDG, ay bulag, pipi at bingi sina Gen. Bato at mistah na si Obusan, ganun din kaya sa violent dispersal sa US embassy? Punyeta! Malamang! Kaya’t goodbye na lang sa hinihingi ng mga taga-kaliwa, lalo na ang mga Lumad, na hustisya!

Kung sabagay, hindi lang si Pedrozo kundi marami pang opisyal ng PNP at mga enlisted personnel ang nasibak sa puwesto matapos makuhanan ng video na nanakit sa mga raliyista. Pero para maging parehas ang kinalabasan ng imbestigasyon, hinihiling nga mga kosa ko sa kaliwa na ang NBI na lang ang humawak ng kaso para maalis ang akusasyon na may pinapaboran ang CIDG. Get’s n’yo mga kosa? Abangan!

vuukle comment

UBUSAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with