^

PM Sports

Lady Bulldogs 43-sunod na panalo na; Lady Tams sinilat ang Lady Archers

Pang-masa

MANILA, Philippines – Gaya ng inaasahan, ginapi ng defending champion National University ang season host University of Santo Tomas ngunit natabunan ito ng upset win ng Far Eastern University kontra second-running De La Salle sa UAAP Season 79 women’s basketball tournament kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Ginulat ng Lady Tamaraws ang Lady Archers, 66-62, para sa ikatlo pa lamang nilang panalo ngayong season para masapawan ang  naitala ng National University na 71-49 paggapi muli sa University of Santo Tomas, ang kanilang ika-11 sunod ngayong season.

Nagtala si Loraine Ventura ng 13 puntos habang nagdagdag ng tig-10 puntos sina Maria Balleser at Princess Jumuad para sa Lady Tamaraws na umangat sa ika-6 na puwesto kapantay ng  Tigresses  hawak ang barahang 3-7, panalo- talo.

Dahil sa panalo nabuhay ang tsansa ng  FEU upang umabot ng  Final Four.

Sa ngayon ay naiiwan lamang ang Lady Tamaraws  ng mga pumapang-apat na  Adamson University at Ateneo ng isang laro.

Ang kabiguan ang ikalawa naman ng  Lady Archers sa sampung laro na naging sanhi ng pagkaantala ng pag usad nila sa Final Four.

Sa swimming competition, agad na umalagwa ang  Ateneo  men’s and women’s team sa unang araw ng  kompetisyon noong Biyernes sa pagkamada ng 132 points, 65-point ang layo sa pumapangalawang De La Salle sa Rizal Memorial Swimming Pool.

Nakopo ni Olympian Jessie Lacuna ang kanyang unang gold sa men’s 200-meter freestyle sa tiyempong  2:09.04 gayundin sina Ateneo at Jethro Chua sa 100-meter freestyle (52.86) at 4x200-meter medley relay team (1:46.91). FML

vuukle comment

UAAP SEASON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with