^

Punto Mo

Ang paboritong ‘Little Girl’ ni Hitler

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ANG batang kasama ni Hitler sa litrato ay si Helga Goebbels, taon 1936. Si Helga ay anak ni Joseph Goebbels, ang propaganda minister ni Hitler. Sa anim na anak ni Joseph, paborito niyang kausapin o laruin si Helga. Ang bata ay mas malambing sa kanyang ama kaysa kanyang ina. Ang fondness niya sa male parent ay nag-extend kay Hitler na nagkataong mabait sa kanya.

Ang litrato ay kuha habang ipinapasyal ni Hitler si Helga. Napalapit si Helga kay Hitler at sa mga Nazi officials dahil madalas siyang isinasama sa opisina. May pagkakataong kahanay siya ng mga opisyal habang minimiting sila ni Hitler. Tahimik lang siyang nakikinig sa usapan ng matatanda.

Sa sobrang paghanga ng mag-asawang Joseph at Magda Goebbels kay Hitler, sa letter H nagsisimula ang pangalan ng anim nilang anak. Bilang propaganda minister, kinokontrol ni Joseph ang German newspapers, magazines, books, music, films, stage plays, radio programs at fine arts. Siya ang nagpasimuno ng boycott sa lahat ng negosyong pag-aari ng mga Jewish. Ipinasunog niya ang mga librong isinulat ng mga Jewish at walang dugong German. Sinigurado rin niyang mawawalan ng trabaho ang lahat ng Jewish  creative artists, kasama ang writers, musicians and theater and film actors and directors. Kung anu-anong kasamaan sa mga Jewish  ang pinaggagawa niya para magpalakas kay Hitler.

Sa pagkatalo sa giyera ng Nazis, nagpakamatay si Hitler. Si Joseph Goebbels lang ang kasamang senior officer nang oras na nagbaril ang kanyang boss. May iniwang sulat si Hitler at hinirang nito si Joseph na humalili sa kanyang naiwang posisyon. Ngunit wala pang isang araw sa kanyang bagong posisyon, isang pasya ang kanyang nabuo. Isang araw matapos magbaril ni Hitler sa sarili, nagpasya silang mag-asawa na magpakamatay. Ngunit bago nila iyon isagawa, kailangan nila munang patayin ang kanilang anim na anak.

Tinawag ni Joseph ang dentista at doktor ni Hitler. Inutusan niya na mga ito ang magturok ng morphine sa mga bata. Nang mawalan ng malay, sinubuan isa-isa ang mga ito ng cyanide. Sila namang mag-asawa ang pumunta sa garden at nagpakamatay.

Kuwento ng mga tauhan ni Hitler: Noong kumalat na ang balita na nagpakamatay si Hitler, kasama si Helga ng ina nang sumugod sa opisina ng Nazi. Kitang-kita raw sa mata ng bata ang takot. Para raw nadarama na nito ang panganib na haharapin sa mga susunod na araw. Labindalawang taon si Helga nang bawian ng buhay.

(NOTE:  w/ photo)

vuukle comment

MS. ANNE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with