^

Police Metro

PRC, nagpadala ng humanitarian caravan sa Isabela, Cagayan

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines – Bilang pagdamay, nagpadala na kahapon ang Philippine Red Cross (PRC) ng humanitarian caravan sa mga lalawigan ng Isabela at Cagayan para maghatid ng emergency aid sa mga komunidad na matinding napinsala ng superbagyong Lawin.

Sinabi ni PRC Chairman at Senador Richard Gordon, ang naturang caravan ay binubuo ng isang rescue van, Doosan wheel loader, dump truck, 6x6 multi-role truck,  4,000 liter fuel tanker at isang 10,000 liter water tanker, Hot Meals on wheels van, rescue van, 2 Humvees, 2 ambulance units at dalawang 10-wheeler trucks na may lamang emergency relief items tulad ng sleeping mats, mga kumot, kulambo, tarpaulins, jerry cans at hygiene kits good na sapat para sa may 1,500 pamilya, mga damit, sapatos at mga ready-to-eat na pagkain.

 Mayroon din itong kasamang 1,141 yero o Corrugated Galvanized Iron (CGI) sheets at iba pang shelter repair materials, na ipapamahagi sa mga pamilyang nawalan ng bubong ang mga tahanan dahil sa bagyo.

 Batay sa initial assessments ng PRC teams, may 80 porsiyento ng mga tahanan at community infrastructures sa mga lalawigan ng Cagayan at Isabela, ang natanggalan ng bubong dahil sa lakas ng hangin na dala ng bagyo.

vuukle comment

PHILIPPINE RED CROSS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with