^

Para Malibang

Sikretong Minahan ng Ginto

MRYOSO - Pang-masa

May tinaguriang Superstition Mountains ang isang bulubundukin na matatagpuan sa silangan ng Phoenix, Arizona. Tinawag itong superstition dahil wala pang nakakikita rito hanggang sa kasalukuyan. Ayon sa alamat, mga panahong 1800s ay may lala­king nagngangalang Jacob Waltz ang nakadiskubre ng isang malaking goldmine sa bulubundukin na tinawag ding Lost Dutchman’s Gold Mine.

Dahil sa kagahaman ay inilihim niya ang nasabing lokasyon hanggang sa kanyang kamatayan. May ibang mga istorya na pinagsabihan umano siya patungkol sa goldmine. Pero ayon din sa ibang istorya ay wala siyang pinagsabihan na kahit na sino.

Magpahanggang ngayon nga ay wala pa ring nakakakita sa minahan kahit marami na ang naghukay at naghanap nito. Sabi ng iba, ay minumulto pa rin ang bulubundukin ng mga kaluluwa ng mga taong namatay sa paghahanap ng kayamanan.

Ayon naman sa isang Native American legend ay binabantayan din ng mga nilalang na kung tawagin ay Tuwa-Tums “Little People” ang nasabing minahan na nakatira sa ilalim ng mga kuweba sa bundok.

Totoo nga kaya ang sinasabing goldmine? At totoo kayang may nagbabantay na mga nilalang kaya’t hindi ito mahanap-hanap? O baka naman gawa-gawa lamang ito ni Jacob Waltz? Kayo na ang humusga.

vuukle comment

SUPERSTITION MOUNTAINS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with