^

Para Malibang

Sino Dapat ang Humawak ng Pera ng Mag-asawa, si Misis o Mister?

EMOTE NG PABEBE - Pang-masa

*Sino ba ang sanay na mag-budget ng mga gastusin sa bahay?  ‘Di ba kaming mga misis kaya nga nakakaraos dahil talagang  pinagkakasya namin ang pera. Siyempre mula sa intrega ni mister. – Maxie, Tacloban

*Kung susundin ang Bible si Adan ang may authority na mamahala ng pamilya. Noong una, hindi ako sanay na si hubby ang may hawak ng pera. Pero nasanay na rin ako. At least hindi na sumasakit ang ulo ko sa pagba-budget. Dahil siya na ang may hawak ng pera namin. Ako lang ang taga-lista at nagpapaalala sa kanya ng mga babayaran at gagastusin namin. Nabawasan ang stress ko. – Elsie, Molino

*Naku ayaw ko sa lahat ay hinahanapan ako kung saan napunta ang mga perang ibinibigay niya. Eh para maliwanag, sinusulat ko lahat. Pati resibo tinatabi ko. Para pagdating ng mister ko na seaman. Alam niya kung saan napupunta ang pera namin. Akala ba niya mada­ling humawak ng pera kahit pa malaki ang sahod. Lagi pa ring kapos dahil sa rami ng mga gastusin. – Jane, Sta. Rosa Laguna

*Ako ang nagba-budget ng pera namin. Pero may saving pa rin kaming mag-asawa. Para in case na may emergency at paggagamitan meron kaming nadudukot. Nasa magandang pag-uusap naman ‘yan. Ayaw ng mister ko humawak ng pera, dahil baka magastos niya. Kaya ako ang nagba-budget ng sahod namin. Nagbibigay na lang siya para sa gastusin namin ng pamilya. - Olive, Las Piñas

vuukle comment

MISIS O MISTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with