Sarah certified chef na!
Ang galing nang magluto ni Sarah Geronimo.
Ito ay base sa Instagram video na ini-upload ni Chef Gene Gonzalez, ang president ng Center for Asian Culinary Studies & Cafe Ysabel Inc. International, kung saan naka-enroll si Sarah.
Isa ang pagluluto sa pinagkaabalahan ni Sarah nang magbakasyon siya ng dalawang buwan sa showbiz.
Bukod sa pagluluto, magaling na rin sa plate presentation si Sarah base pa rin sa Instagram video. At keri na rin niya ang pasta flipping.
May itinayong restaurant ang mommy Divine ni Sarah somewhere in Mindanao Avenue pero for exclusive affairs lang kaya may pagpapagpraktisan na si Sarah ng galing niya sa kusina.
Sexy star hilig magpa-fall sa mga generous
Inirampa ng isang sexy star kamakailan ang sapatos na bigay sa kanya ng isang pulitiko.
Hindi mura ang nasabing brand ng shoes ha.
Mahilig daw talagang tumanggap ng regalo ang sexy star na ito pero in all fairness hindi basta-basta pumapatol.
Mahusay lang daw itong magpa-fall sa mga rich guy na weakness namang gastahan ang mga natitipuhan.
Wais daw si sexy star kaya naman nakakakolekta ito ng mga branded bag and shoes.
- Latest