^

Punto Mo

EDITORYAL - Wala munang barangay at SK elections

Pang-masa
EDITORYAL - Wala munang barangay at SK elections

NILAGDAAN na ni Pres. Rodrigo Duterte ang batas na nagpapaliban sa barangay at Sangguniang Kabataan elections. Ito ang unang batas na nalagdaan mula nang maupo siya sa puwesto. Tiyak nang walang eleksiyon sa darating na Oktubre 31 at sa halip, itutuloy ito sa susunod na taon.

Isa sa mga pangunahing dahilan ni Duterte kaya ipinagpaliban ang barangay at SK elections ay upang hindi magamit ng mga kandidato ang drug money sa kampanya. Maraming barangay kapitan ang sangkot sa illegal drugs at perang kinita rito ang gagamitin para sila manalo. Ayon sa Presidente, 8,000 barangay captains ang nagtutulak ng shabu. Napakarami nito at lubhang nakaaalarma kung mananalo ang mga kapitan na hawak ng drug syndicate.

Ayon pa sa Presidente, kapag daw nagamit ang pera mula sa drug syndicate, tiyak na mahihirapan nang masugpo ang illegal drugs dahil nakaupo na ang chairman na pinondohan. Magagawa na ang anumang gawin sa barangay.

Napasok na ng illegal na droga ang may 80 percent ng barangay sa buong bansa. Ang dating tahimik at matiwasay na pamumuhay ay naging magulo nang makapasok ang shabu at iba pang droga. Lumaganap ang krimen --- rape, holdapan, patayan – at iba pa. Nagkaroon ng drug den at mayroon pang shabu laboratories.

Hindi na nakapagtataka kung bakit hindi mabuwag-buwag ang drug den sa barangay kahit na malapit sa mismong barangay hall sapagkat sangkot mismo ang chairman o mga kagawad.

Wala silang ginagawa para malipol ang mga tulak ng shabu sapagkat sila man ay sangkot sa pagpapalaganap ng droga sa kanilang nasasakupan. Tama lang na huwag idaos ang election sa barangay. O ang mas mabuti, huwag nang magkaroon ng election at pumili na lamang ang mayor sa mga mamumuno sa barangay. Huwag na ring magkaroon ng SK sapagkat tinuturuan lamang ang mga ito na maging corrupt. Buwagin nang tuluyan ang SK.

vuukle comment

SK ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with