^

Probinsiya

2 utas sa pamamaril

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon
2 utas sa pamamaril
Sa report na nakarating kay P/Supt. Bernard Tayong ng CPPO, kinilala ng mga biktima na sina Ricardo Alod Cambel, 49, may asawa, magsasaka at residente ng Purok Cabugao, Brgy. New Leon at Daisy Campoy Calibayan, 54, biyuda, barangay health worker sa Barangay Catalicanan sa nasabing bayan.
File photo

NORTH COTABATO, Philippines – Patay ang 49-anyos na magsasaka at kasama nitong barangay health worker makaraang ratratin ng hindi kilalang lalaki sa kahabaan ng Highway sa Purok Lumboy, Barangay New Leon sa bayan ng Aleosan, North Cotabato kamakalawa ng gabi. Sa report na nakarating kay P/Supt. Bernard Tayong ng CPPO, kinilala ng mga biktima na sina Ricardo Alod Cambel, 49, may asawa, magsasaka at residente ng Purok Cabugao, Brgy. New Leon at Daisy Campoy Calibayan, 54, biyuda, barangay health worker sa Barangay Catalicanan sa nasabing bayan. Batay sa ulat ng pulisya, magkaangkas sa motorsiklo ang dalawa na patungong Aleosan proper mula sa Barangay New Leon nang harangin at pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki. Tinangay ng gunman ang motorsiklo ng mga biktima matapos na makitang bumulagta ang mga ito.

vuukle comment

HEALTH WORKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with