Probinsiya sakop din ng 5-yrs validity ng lisensiya
MANILA, Philippines – Maging sa lalawigan at probinsya ay mag-iisyu na rin ng driver’s license na may 5-year validity ang Land Transportation Office (LTO) simula sa Nobyembre.
Sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), sa Nobyembre 2 ay magiging available na sa mga Regions 3, 4, 7 at 11 ang mga naturang driver’s license na may mas mahabang validity.
Magiging available naman ang mga naturang lisensya sa Regions 1, 2, 6, 10 at 12 simula sa Nobyembre 7 habang sisimulan ng Regions 5, 8, 9, Cordillera Administrative Region (CAR) at CARAGA ang pag-iisyu nito simula sa Nobyembre 14.
Una nang naging available ang driver’s license na may 5-year validity sa National Capital Region (NCR) noong Lunes, Oktubre 17.
Mula sa dating tatlong taon ay pinahaba ng LTO sa limang taon ang validity ng mga driver’s license, alinsunod na rin sa kagustuhan ni Pangulong Duterte.
- Latest