^

PSN Opinyon

Magdusa kapag mahuli sa abroad dahil sa droga

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

HUWAG nang asahan na tutulong ang gobyerno kapag mahuli ka sa abroad dahil sa droga. Matindi ang giyera ni President Rody Duterte kontra sa narcotics. Nanawagan pa siya sa mga karatig-bansa sa Asia-Pacific na magtulungan laban sa salot. Kaya, aniya, hindi siya maki­­kiusap sa mga dayuhang gobyerno na gaanan ang parusa sa mga Pilipino na nahulihan ng droga.

Mahigit 30 Pilipino ang nakakulong sa abroad dahil sa paggamit o pagpuslit ng droga. Dati-rati, ginagastusan sila ng gobyerno ng Pilipinas para sa abogado at mabisita ng pamilya. Ipinapalagay agad na nabiktima lang sila ng malupit na sistema sa ibang bansa, kaya umaapela roon na patawarin at palayain. Ipinapalagay din na dahil sa kahirapan kaya napilitan mag-drug mule ang salarin.

Hindi na ngayon ipinapalagay na biktima lang ng kahirapan at kutsabahan ang mga nakakulong. Inaasahan na alam ng mga biyaherong Pilipino ang higpit ng batas kontra droga sa mga bansang pinasukan nila. Kasi naman, sa eroplano na papalapag pa lang sa China, Taiwan, Japan, Korea, o anomang bansa sa ASEAN -- mali­ban sa Pilipinas -- inaanunsiyo nang bitay ang parusa sa mahulihan ng droga. Inaasahan din na nabalitaan nila ang mga sinapit ng mga kababayan, at ang modus operandi ng mga sindikato na nakikipadala ng maleta ng droga. Tinuturing na hindi katuwiran ang karalitaan para gumawa ng krimen.

Malinaw ang dapat na iasal. Iwasan ang tukso ng bigla at malaking kita, dahil malamang na krimen ‘yon. Matuto na nagpapapuslit ang sindikato ng konting droga sa drug mule para malingat ang pulisya sa mas malaking kontrabando.

Anang Malacañang pinag-aaralan para pamarisan ni Duterte ang higpit ng batas at hustisya sa abroad kontra droga.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

 

vuukle comment

JARIUS BONDOC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with