^

Punto Mo

EDITORYAL - Christmas lights na depektibo nagkalat na naman

Pang-masa
EDITORYAL - Christmas lights na depektibo nagkalat na naman

NARARAMDAMAN na ang pagsapit ng Pasko. May mga parol na itinitinda sa paligid. May mga Christmas tree na sa mga bahay. At ang isang kapansin-pansin, laganap na naman ang mga mumurahin at depektibong Christmas lights sa mga tindahan sa Divisoria. Marami na ring tinda sa mga bangketa. Walang kaalam-alam ang mga namimili na ang nabili nila ay Christmas lights na takaw-sunog. Bukod sa Divisoria marami ring nagtitinda ng mga mumurahing Christmas lights sa Recto at Rizal Avenues, Baclaran, Cubao at iba pang lugar sa Metro Manila.

Nagbabala na ang mga awtoridad na huwag bumili ng mga Christmas lights na ito sapagkat maaaring pagmulan ng sunog. Ang mga Christmas lights na ito ay maninipis ang wire na madaling mag-init at nasusunog. Bumili lamang ng may ICC markings.

Galing China o Taiwan ang mga Christmas light at iba pang pailaw. Makikitang nakalatag ang mga ito sa bangketa at bungkos-bungkos na ibinibenta. Maaakit ang mamimimili sapagkat binebenta ng 3 for P100. Murang-mura kumpara sa mga makabagong Christmas lights na LED type na ang 100 lights ay P500.

Kapahamakan ang idinudulot ng mga Christmas lights na mumurahin. Ang mga ito ang karaniwang nagdudulot ng sunog sa Metro Manila. Kapag nag-init ang bulb, uusok ito at dito na magsisimula ang apoy. Mas madaling kumalat ang apoy kapag nakadikit sa kurtina at iba pang light materials.

Depektibong Christmas lights ang dahilan kaya namatay ang anak na babae ni dating House Speaker Jose de Venecia. Nasunog ang bahay ng Speaker at nakulong sa kuwarto ang anak. Kumalat ang apoy na nagmula sa mga pekeng Christmas lights.

Maging maingat. Huwag tangkilikin ang mga pailaw na magdudulot ng panganib sa buhay. Makakatipid nga sa mga mumurahing Christmas lights subalit maaaring maging mitsa ng trahedya.

vuukle comment

CHRISTMAS LIGHTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with