^

Pang Movies

James ayaw makisawsaw sa mga emote ng ex

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
James ayaw makisawsaw sa mga emote ng ex
James Yap

 Ayaw patulan ni James Yap ang mga parinig ngayon sa kanya ni Kris Aquino. Ayaw niyang magbigay ng anumang statement sa mga sinasabi laban sa kanya ni Kris. Ang sinasabi lang ni James sa ngayon, masaya ang kanyang buhay at maligaya siya ngayong kumpleto na ang kanyang pamilya, ang girlfriend na si Michela at ang anak na si MJ.

Bakit ka pa nga naman ba hahalo sa gulo kung masaya na ang iyong buhay?

Asawa ng dating singer na si Iwi Laurel, idinawit sa droga ang pagkamatay!

Hindi namin masisisi kung magalit man ang singer na si Iwi Laurel sa mga taong “kaibigan” naman niya. Nagkaroon ng chest pains ang kanyang asawang si Noli Asensio, inatake iyon sa puso. Isinugod nila sa ospital at umabot naman sa emergency room, pero namatay din.

Ang mas masakit para kay Iwi at sa kanilang pamilya, mayroon pang gumawa ng tsismis na ang kanyang asawa ay biktima raw ng “drug war” ni Presidente Digong Duterte. Tapos may naglakas-loob pa na ilabas sa social media ang tsismis. Nangatuwiran pa ang nagsimula ng tsismis, na ipinasa naman daw iyon sa pamamagitan ng “private message” at ang mali lang daw may naglabas sa social media. Inamin naman nang gumawa ng tsismis na laban kasi sila sa isinasagawang drug war ng gob­yerno.

Pero kung laban man sila sa drug war, kung iisipin na sila pa naman ay itinuturing na mga edukado at inirerespetong tao, dapat ba namang gumamit pa sila ng ibang tao, lalo na ng isang namayapa na para makagawa lamang ng isang black propaganda?

Hindi namin masisisi ang mga namatayan. Namatay na nga iyong tao, pinatay pa nila pati ang respeto dahil sa ipinagkakalat nilang tsismis. Tapos sasabihin nila iresponsable ang media? Hindi naman media ang nagsimula ng tsismis, celebrities mismo. Sa totoo lang nakakahiya sila.

May mga nag-sorry daw naman in private, pero sa palagay namin maski na ang isang public apology at mahirap tanggapin sa panahong ito, lalo na nga’t mga respetadong tao rin, at galing sa mga respetadong pamilya ang ginawan nila ng hindi magandang tsismis.

Si Iwi ay isang kilalang singer noong kanyang panahon, at anak ng naging Vice President na si Doy Laurel at ang stage actress na si Celia Diaz Laurel. Si Noli ay anak nina Jimmy Asensio at ang kilalang soprano na si Fides Cuyugan Asensio.

Goma imbyerna sa mga pulis na nanamantala

May narinig naman kaming ibang kuwento tungkol din diyan sa droga. Nagreklamo ang actor at mayor na si Richard Gomez, dahil iyan daw kampanya sa droga ay nagagamit ng ilang mga pulis para siraan at ipahamak ang mga taong wala namang kinalaman sa droga, pero kaaway nila.

Sabi ni Goma, wala naman daw siyang magawa dahil ang tinutukoy niyang mga pulis ay hindi taga-Ormoc City kundi nasa karatig bayan nila. Kaya ang ginawa ni Goma, nanawagan siya kay Presidente Digong Duterte at General Bato Dela Rosa para imbestigahan at pakialaman ang kaso.

Masyadong natatali si Goma ngayon sa kanyang tungkulin bilang mayor ng Ormoc. Maraming showbiz projects ang kailangan niyang tanggihan dahil wala na nga siyang panahon. Kung iisipin, mas malaki ang kikitain niya bilang isang actor kesa bilang mayor ng kanilang lungsod. Pero type niyang makapag-serbisyo naman ng tama sa kanyang nasasakupan eh, kaya sakripisyo muna ang acting career.

vuukle comment

JAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with