^

Punto Mo

Ang Love Story ng Grade One

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

NOONG nasa grade one, sila ang pinag-partner ng teacher sa isang dance production. Simula noon tinutukso na sila ng mga kaklase. Nagkahiwalay sila ng section mula grade 2 hanggang grade 4. Pagsapit ng grade 5, naging magkaklase ulit sila. Ipinagsasabi ng lalaki sa kanyang mga kaklase na crush pa rin niya ang dati niyang dance partner. Minsan, naglaro ang buong section ng truth or consequence. Sa lalaki tumapat ang arrow na pinaiikot. Consequence ang pinili niya. Ang teacher ang nag-utos. Tapikin niya ang taong sa puso niya ay espesyal para sa kanya. Pinuntahan ng lalaki ang babae at tinapik niya ang balikat nito. Ang sumunod ay umaatikabong kantiyawan. Pagsapit ng grade six nagkahiwalay muli sila ng section. Nabalitaan ng babae na may girlfriend na si Lalaki.

Sa high school, pumasok sila sa magkaibang school. Sa pamamagitan ng common friend, nakakarating sa babae na siya pa rin ang special girl ng lalaki kahit may girlfriend na ito. Sa kolehiyo, magkatabi lang ang unibersidad na pinasukan nila. Nagkataong ang kaklase ni Babae ay kasama sa boarding house ni Lalaki. Muli nitong ipinarating sa babae na siya pa rin ang first love at special girl sa puso nito. Liligawan na sana niya ang babae pero may boyfriend na ito.

Lumipas ang maraming taon, muli silang bumalik sa kanilang probinsiya dahil may reunion ang kanilang batch sa elementary. Muli silang nagkita at nagkausap—56 years old na sila. Ang lalaki ay diborsiyado na sa kanyang Brazilian wife. Ang babae ay single pa rin. Habang sumasayaw sila, may ibinulong ang lalaki sa babae.

“I love you” sabi ng lalaki

“Bakit ngayon mo lang sinabi ‘yan?”

“Ang akala ko kasi, hindi mo ako type.”

“Alam mo bang  high school pa lang, ikaw na ang pinangarap kong maging boyfriend?”

“Hindi pa huli ang lahat…simulan natin ngayon ang naudlot na love story ng dalawang grade one.” Image source: clip art best.com

vuukle comment

MS. ANNE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with